Pumunta sa nilalaman

Tulong:ImageMap

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pahinang ito ay para sa paggabay sa paggamit ng bagong pagpapalawig ng MediaWiki, ang mw:ImageMap, ang pamalit sa Template:Click.

Hindi katulad ng suleras na Click na nagpapatong ng isang malaking kawing sa ibabaw ng mga larawan upang kapag pinidot ay hindi ka mapupunta sa pahina ng larawan kundi sa kinakawingan ng kawing, pinapayagan ng ImageMap ang paglalagay ng maraming kawing sa isang larawan. Nagbibigay ito ng flexibility.

Halimbawa:

Pansining sa kaliwang larawan, kapag pinindot ang bandang araw, mapupunta ka sa artikulong "Pilipinas". (Kaya iyon sa bandang araw lamang ang kawi ay dahil sa isang pagkakamali sa suleras. Hindi magandang gamitin ang Template:Click para sa mga malalaking larawan, kaya iniiwasan na itong gamitin ngayon.)

Sa kanang larawan kapag pinindot ang puting bahagi, mapupunta ka sa artikulong "Pilipinas". Kapag pinindot ang bughaw, mapupunta ka sa artikulong "Kapayapaan". Kapag pinindot ang pulang bahagi, mapupunta ka sa "Digmaan". Kapag yaong titik "i" naman ang pinindot mapupunta ka sa pahina ng larawan. Sa "Click" ay imposible ang ganito, at isa rin ito sa mga dahilan kaya pinapatangkilik ang paggamit ng ImageMap.

Ang "poly" sa kodigo ang nagpapahiwatig kung anong bahagi ng larawan ang kakawingan. Ang "desc" naman ang posisyon ng letrang "i". Kung ayaw lagyan ng letrang "i", ilagay kasunod ng "desc" ang "none". Kung hangad na maglagay lamang ng isang kawing sa larawan gamitin ang sumusunod na kodigo:

<imagemap>
Image:[pangalan ng larawan]|[haba ng larawan]|[bansag sa larawan]
rect 0 0 [totoong haba ng larawan] [totoong taas ng larawan] [[[Pagkakawingan]]]
desc bottom-right
</imagemap>

Sabihin nating ating gagamitin ang larawan ng bandila ng Pilipinas. Ganito ang kodigo:

<imagemap>
Image:Flag of the Philippines.svg|300px|Pilipinas
rect 0 0 900 450 [[Pilipinas]]
desc bottom-right
</imagemap>

Ganito ang kakalabasan:

PilipinasPilipinas
Pilipinas

Pansining ngayon na kahit saan pindutin sa larawan ay mapupunta ka sa artikulong "Pilipinas".

mw:ImageMap Para sa mas kompletong gabay (nangangailangan ng ilang kaalaman sa kompyuter)