Turismong pangkalinangan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Mga turistang kumukuha ng mga litrato sa guhong templo ng Pre Rup ng khmer, isang halimbawa ng turismong pangkalinangan.

Ang turismong pangkalinangan ay turismong nakatuon sa pagdanas ng nakasanayang pamumuhay sa lugar, konsepto ng espasyo, oras, layo, pagkain, at lahat ng bagay na bibigay pakaiba sa napiling lugar. Matatawag na turismo ang isang paglalakbay kung ito ay hihigit sa 24 oras at ginagawa sa lugar na malayo sa nakasanayang pamumuhay. Matatawag na kultura o kalinangan ang kabihasnan at paglilinang. Walang kulturang maituturing na mas mababa dahil nagbabago ang kultura depende sa pangangailangan ng mga taong bayan. Nabubuo ang kultura base sa pagsasama sama at pakikisama.

Base sa modelong Iceberg, ang kultura ay binubuo ng dalawang parte: nakikita at hindi nakikita. Ang mga nakikita ay yung mga madali mong mapapansin. Tulad, halimbawa, nang pagpapakita ng yaman, kung mula sa pintuan ay naka lagay na lahat ng simbolo ng kanilang ari-arian masasabi mong ganoon ang kanilang pagpapahalaga sa yaman, samantalang ang iba naman ay tagong tago at kinikimkim ang karangyaan. Sa dalawang ito'y walang tama o mali, nagpapakita lang ito ng pagpapahalagang meron ang kanilang kinalakhang kultura. Isa pang halimbawa ay ang paggamit ng pera. May mga pamilyang ang konsepto sa pera ay bagay na ginagastos, pinagtrabahuhan para gamitin, samantalang ang iba nama'y ang konsepto dito ay itinatabi, at ang pagbili ng higit sa dapat ay matatawag na na pagwawaldas. Tulad nang naunang halimbawa, walang tama o maling konsepto dito, ang pagpapahalaga ng pamilya ay natututunan at hinuhubog ng panahon, maaaring natutunan pa ito mula sa naunang salin-lahi o nakuha dahil sa kasalukuyang katayuan sa buhay.

Ang mga hindi nakikitang parte naman ng kultura ay yung mga bagay na tinatawag na "alam mo na", mga bagay na hindi na kailangang sabihin pero batid ng bawat isa kung ano ang ibig sabihin. Halimbawa, pagdating ng araw ng sweldo ng tatay mo ay ininitrega niya ito sa iyong nanay. Kasi, hindi na kailangang sabihin, pero alam nang buong bahay na ang iyong nanay ang nag-aasikaso ng pagbabadyet ng inyong buwanang pera. Hindi sinasabi pero "alam mo na".

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]