Tutting
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Disyembre 2013) |
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Ang Tutting ay isang istilo sa contemporaryong abstrak na interpretatibong street dance na halaw sa hieroglypiko ng Ehipto. Ang salitang tutting ay alinsunod sa pangalan ng Ehiptong paro na si Tutankhamun. Sa pagsasagawa nito, mahigpit na binibigyang pansin ang ritmo ng musika sa pamamagitan ng pagpapagalaw ng katawan at mga parte nito sa isang maayos, pulido at mala-robot na ganap.
Mga Galaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sukat ng mga pose o tuts ay nag-iiba-iba mula sa mga tuts para sa katawan hanggang sa mga komplikadong tuts na isinasagawa naman sa mga daliri. Ang paglilipat sa pagitan ng mga pose ay mabusisi at mapagpahayag. Dagdag pa rito, nagkaron din ng iba’t ibang sekondaryang istilo ng tutting tulad ng boxing na pinapakita sa pamamagitan ng pagagawa at pagmamanipula ng mga mala-kahon o parihabang mga hugis na madalas ginagawa ng mananayaw sa kanyang mga braso at ang impluwensiya ng liquid style sa mga tutters para maging anyong bisagra ang mga kasukasuan na pwede ding gawan ng kung anu-anong eksibisyon ng ibang bahagi pa ng katawan. Ang mga daliri at braso ay malayang ginagamit dito upang makabuo ng mga geometrikong hugis tulad ng kahon, puso, at kung anu-ano pa. Ang boxing at hinge illusion ay espesyal na aplikasyon ng panggagaya ng konsepto ng tiyak na lugar o posisyon. Kung ang isang mime na nagpapahatid sa atin ng animong pader sa pamamagitan ng palagiang paglalapat ng isang kamay sa ilusyong pader, o di kaya naman ay ng isang lubid sa pamamagitan ng pagpapanatili ng isang kamay na nakahawak sa lubid; ang tutter naman ay nagpapahayag ng mga hugis sa pamamagitan ng pagpapanatili ng maski isang gilid ng nais na hugis. Sa pagsasagawa nito, ginagamit ng isang tutter ang parte ng kanyang katawan upang mabuo ang hugis nang unti-unti, isang anggulo kasunod ng isa, isang gilid kasunod ng isa pa ulit, at pagsisira ng porma ng hugis sa ganitong paraan pa rin na unti-unti. Malaki ang ginampanang papel ng komunidad ng electronic dance sa pagpapalaganap ng tutting dahil sa mas abstrak nitong uri ng maimpluwensang istilo, ang liquiding. Mataas na kinikilala ang tutting sa parehong komunidad ng electronic at pop dahil sa lalim ng pagka teknikal nito at pagiging sadyang kakaiba na umabot sa pagkabansag ng kung sino mang dedikadong miyembro sa dalawang komunidad na nabanggit na “tutter” sa oras na ituring nila ang tutting na kanilang pangunahing istilo. Ihahalo nila sa kanilang pagtatanghal ang popping o liquiding bilang tutters.
Popularidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umaani ito ngayon ng popularidad lalo na sa mga grupo ng kabataan at mga mananayaw na pinapaskil ang kanilang mga video sa youtube at iba iba pang social media. Bukod pa rito ang kilalang kilalang MTV na palabas na America’s Best Dance Crew o ABDC ay binigyan ng pangunahing pagkakakilanlan ang pagsasayaw na ito.
Isinalin sa tagalog mula sa: http://en.wikipedia.org/wiki/Tutting