Pumunta sa nilalaman

Ikalabindalawang Gabi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Twelfth Night)
Ikalabindalawang Gabi
Pagdiriwang ng Ikalabindalawang Gabi ni Mervyn Clitheroe, na iginuhit
ni "Phiz" (c 1840)
Ipinagdiriwang ngMga Kristiyano
UriKristiyano
Mga pamimitaganPagsasaya
PetsaGabi ng ika-5 ng Enero
Kaugnay saLabindalawang mga Araw ng Pasko
Epipaniya (Pista ng Tatlong Hari)

Ang Ikalabindalawang Gabi (Ingles: Twelfth Night, Epiphany Eve) ay isang kapistahan sa ilang mga sangay ng Kristiyanismo na tanda ng pagdating ng Epipaniya at pagtatapos ng Labindalawang mga Araw ng Pasko. Binigyang kahulugan ito ng Shorter Oxford English Dictionary bilang ang gabi ng ikalima ng Enero, bago ang pagsapit ng Ikalabindalawang Araw, ang bisperas ng Epipaniya, na dating huling araw ng mga pagdiriwang ng Pasko at isinasagawa bilang isang panahon ng pagsasaya.[1] Subalit, pangkasalukuyang mayroong ilang kalituhan sa kung aling gabi nga ba ang Ikalabindalawang Gabi:[2] mayroong nagbibilang na ang gabi ng Epipaniya mismo (ikaanim ng Enero) ay ang Ikalabindalawang Gabi.[2] Ang isang pinanggalingan ng kalituhan ito ay sinasabing ang nakagawian noong panahong Midyebal na pagsisimula ng bawat isang bagong araw tuwing paglubog ng araw[kailangan ng sanggunian], kung kaya't ang Ikalabindalawang Gabi ay nauuna sa Ikalabindalawang Araw. Sa ilang mga pagkakataon, ang ika-25 ng Disyembre ay ang unang araw ng Pasko, kung kaya't ang ika-5 ng Enero ay ang ika-12 araw. May kamalian na bilangin ang panahon ng Kapaskuhan bilang 12 mga araw "pagkaraan" ng Araw ng Pasko, na nagsasagawa sa ika-6 ng Enero bilang Ikalabindalawang Araw, dahil sa ang ika-6 ng Enero, at ang mga panahon na pangsimbahan ay hindi nagkakapatung-patong[kailangan ng sanggunian].

Isang kamakailang paniniwala sa ilang mga bansang nagsasalita ng wikang Ingles ang humahawak na hindi magiging masuwerte kapag iniwan ang mga palamuting Pampasko na nakabitin pa rin pagkalipas ng Ikalabindalawang Gabi, isang paniniwalang unang nakakabit sa kapistahan ng Candlemas na nagdiriwang ng Paghahain kay Hesus sa Templo (ika-2 ng Pebrero).[3]

Mga pinagsimulan at kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Inglateran noong panahong midyebal at panahong Tudor[kailangan ng sanggunian], ang Ikalabindalawang Gabi ay tanda ng wakas ng isang kapistahan tuwing panahon ng taglamig na nagsisimula tuwing Bisperas ng mga Banal — na nakikilala sa ngayon bilang Halloween. Ang Panginoon ng Masamang Pamamahala (Panginoon ng Maling Pamamahala) ay sumasagisag sa pagbitin ng daigdig na nakabaligtad. Sa araw na ito, ang Hari at ang lahat ng mga matataas ay magiging mga dukha at ang mga mahihirap naman ay magiging mayaman at makapangyarihan. Sa simula ng pestibal ng Ikalabindalawang Gabi, kinakain ang isang kakanin na naglalaman ng isang monggo (bean). Ang tao na makakatagpo ng monggong ito ang siyang mamumuno sa kapistahan. Hudyat ang hatinggabi ng wakas ng pamumuno niyang ito at ang mundo ay manunumbalik sa normal. Ang karaniwang tema ay ang normal na kaayusan ng mga bagay ay mababaligtad. Ang ganitong tradisyon ng Panginoon ng Maling Pamamahala ay ipinipetsang pabalik sa mga pagdiriwang sa Europa bago pa man ang pagdating Kristiyanismo, katulad ng kapistahan ng Samhain ng mga Seltiko at ang pestibal ng Saturnalia ng Sinaunang Roma.[4]

Mga kaugalian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahin ang pagkain at inumin sa mga pagdiriwang na isinasagawa sa makabagong kapanahunan, at ang lahat ng mga pinaka pangtradisyon ay nagbuhat pa sa nakalipas nang mga daantaon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Shorter Oxford English Dictionary, edisyon ng 1993.
  2. 2.0 2.1 Beckford, Martin (6 Enero 2009). "Christmas ends in confusion over when Twelfth Night falls". The Daily Telegraph. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-05. Nakuha noong 26 Mayo 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Of late years a belief has grown up that it is unlucky to leave [evergreens] hanging after Epiphany Eve (5 January), but this seems to be a modern notion [...] The older tradition was that they must come down by Candlemas, the day on which the wider ecclesiastical Christmas season ends." — Radford, (patnugot) Cole (1961). Encyclopaedia of Supersitions. London: Hutchinson.
  4. Miles, Clement A.. Christmas Customs and Traditions: Their History and Significance. Courier Dover Publications, 1976. ISBN 0-486-23354-5. Ito ang isinulat ni Robert Herrick (1591–1674) sa loob ng kaniyang tulang"Ceremony upon Candlemas Eve":
    "Down with the rosemary, and so
    Down with the bays and mistletoe;
    Down with the holly, ivy, all,
    Wherewith ye dress'd the Christmas Hall"
    ayon sa antolohiyang Pelican Shakespeare, isinulat ito para sa isang pribadong pagtatanghal para kay Elizabeth I noong 1601. Ang Ikalabindalawang gabi ay ang ika-6 ng Enero (epipaniya), sa kung gayon maipapalagay na naisulat ito noong 1600.
    Ayon sa pagtatala ng tula ni Herrick, ang bisperas ng Candlemas (ang araw bago ang pagdating ng ika-2 ng Pebrero) ay ang araw kung kailan mga palamuting Pampasko na lunti ay tinatanggal mula sa mga tahanan ng mga tao; dahil sa ang anumang bakas ng mga aratiles (mga berry) at iba pa ay magdadala ng kamatayan sa piling ng kongregasyon bago pa man matapos ang bagong taon.