Pumunta sa nilalaman

UEFA Europa League

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
UEFA Europa League
UEFA Europa League (football competition) logo.svg
Itinatag1971; 53 taon ang nakalipas (1971)
(rebranded in 2009)
RehiyonEurope
Bilang ng mga koponan40 (main phase total)[a]
32 (group stage)
58 (total)
Kwalipikasyon para saUEFA Super Cup
UEFA Champions League
Kasalukuyang kampeonPadron:Fbaicon Sevilla (7th title)
Pinakamatagumpay na (mga) kapisananPadron:Fbaicon Sevilla (7 titles)
Mga taga-brodkast sa telebisyonList of broadcasters
Websaytuefa.com/uefaeuropaleague
2024–25 UEFA Europa League

Ang UEFA Europa League (dating kilala bilang UEFA Cup, dinaglat bilang UEL, o minsan, UEFA EL ) ay isang taunang kompetisyon sa football club na inorganisa mula noong 1971 ng Union of European Football Associations (UEFA) para sa mga kwalipikadong European football club. Ito ang pangalawang antas na kompetisyon ng European club football, na nasa ibaba ng UEFA Champions League at mas mataas sa UEFA Europa Conference League .

Ipinakilala ito noong 1971 bilang UEFA Cup. Ipinalitan nito bilang Inter-Cities Fairs Cup. Ang UEFA Cup ay ang ikatlong bilang ng kumpetisyon mula 1971 hanggang 1999 bago itinigil ang UEFA Cup Winners' Cup, at madalas pa rin itong tinutukoy bilang "C3" bilang pagtukoy dito. Kwalipikado ang mga club para sa kumpetisyon batay sa kanilang pagganap sa kanilang mga pambansang liga at kumpetisyon sa copa. [1]

Noong 1999, ang UEFA Cup Winners' Cup ay pinagsama sa UEFA Cup at itinigil bilang isang hiwalay na kompetisyon. Mula sa panahon ng 2004–05, idinagdag ang group stage bago pa ang knockout phase. Ang kumpetisyon ay kinuha ang kasalukuyang pangalan nito noong 2009, [2] kasunod ng pagbabago sa format. Kasama sa muling pag-rerebrand noong 2009 ang pagsama sa UEFA Intertoto Cup, na nagdulot ng pinalaki na format ng kumpetisyon, na may pinalawak na group stage at pagbabago sa pamantayan sa criteria ng kwalipikasyon. Ang nagwagi sa kompetisyon na iyo ay maging kwalipikado at lalaban para sa UEFA Super Cup, para sa kasunod na yugto ng UEFA Champions League mula noong 2014-15 season, pagpasok sa group stage, gayon din para sa UEFA-CONMEBOL Club Challenge - isang friendly na kompetisyon laban sa nagwagi ng Copa Sudamericana mula noong 2023.

Ang mga Espanyol ay may pinakamataas na bilang ng mga tagumpay (14 na panalo), na sinusundan ng mga koponan mula sa Inglaterra at Italya (9 na panalo bawat isa). Ang titulo ay napanalunan ng 29 na mga club, 14 sa mga ito ay nanalo ng higit sa isang beses. Ang pinakamatagumpay na club sa kompetisyon ay ang Sevilla, na may pitong titulo. Ang Colombian striker na si Radamel Falcao ang may hawak ng pinakamaraming goal (17) na naitala sa isang season ng tournament. [3]


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2

  1. UEFA direct. {{cite magazine}}: Missing or empty |title= (tulong)
  2. "UEFA Cup gets new name in revamp". BBC Sport (British Broadcasting Corporation). 26 Setyembre 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Setyembre 2008. Nakuha noong 26 Setyembre 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "UEFA Europa League all-time top scorers". 14 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)