Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
Ang Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla ng Unibersidad ng Pilipinaso mas kilala bilang UP College of Mass Communication (UPCMC) ay isang institusyon sa pag-aaral tungkol sa pangmadlang midya sa Pilipinas. Pormal itong itinatag sa buwan ng Marso taong 1965 bilang Institute of Mass Communication (Instituto ng Komunikasyong Pangmadla), isang malayang yunit ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman na nag-aalok ng mga programa sa larangan ng pag-aaral ng midya at komunikasyon.
Ang kolehiyo ay matatagpuan sa Bulwagang Plaridel, Daang Ylanan, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. Dito matatagpuan ang dalawa sa mga Sentro ng Kahusayan sa Edukasyong Pangkomunikasyon ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon, ang mga Departamento ng Pamamahayag at Departamento ng Pananaliksik sa Komunikasyon. Ang departamento naman ng Komunikasyong Broadcast at Pelikula ay parehas na kandidato para sa pagiging mga Sentro ng Pag-unlad.
Nang matapos ang termino ni Dra. Elena E. Pernia noong Mayo 31, 2009, pinalitan siya ng kasalukuyang Dekano ng UP CMC na si Dr. Rolando B. Tolentino ng Instituto ng Pelikula.
Lokasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bulwagang Plaridel ay tahanan ng kolehiyong na ipinangalan kay Marcelo H. del Pilar, isang bayani at manunulat sa La Solidaridad, kung saan ang kanyang sagisag-panulat ay Plaridel. Ang Bulwagang Plaridel ay matatagpuan sa Daang Ylanan. Mayroon itong dalawang gusali na dinudugtong ng isang skywalk. Pagkapasok mo sa unang gusali ay may makikita kang napakandang inukit na haligi na gawa sa kahoy. Gawa ito ng isang Pambansang Alagad ng Sining na si Napoleon Abueva. Sa isang bahagi naman ng gusali ay makikita mo ang busto ni Marcelo H. del Pilar na gawa ng magaling na iskultor na si Anastacio Caedo. Sa tabi ng busto ay may mga litrato ng mga taong nanalo ng Gawad Plaridel. Ilan sa mga nanalo ay si Vilma Santos at si Cheche Lazaro. Sa pader naman ng gusali ay makikita ang mga mural tungkol sa komunikasyon sa Pilipinas na gawa ni Glenn Bautista.
Bago ang Bulwagang Plaridel, ang mga opisina, silid aralan at silid aklatan ng Institusyon ng Pangmadlang Komunikasyon ay makikita sa Bulwagang Palma. Noong tinatag ang Institusyon, lumipat sila sa Bulwagang Plaridel sa ilalim ng tagapagtatag at dekano na si Dr. Gloria Feliciano. Ang arkitektong gumawa ng gusali ay si Roberto A. Novenario noong 1965. Si Leocadio V. Sirilan naman ang nagdisenyo ng ikalawang gusali noong 1975. Maliban sa mga silid-aralan at opisina, makikita rin sa Bulwagang Plaridel ang mga laboratoryong pampelikula, awditoryum, tambayan at iba pa.
Sa ilalim naman ni Dekano Luis Teodoro ay sinimulan ang paggawa ng Media Center noong 1997. Dahil sa pagsisikap ng mga sumunod na dekano na sina Georgina Encanto, Ellen Pangilinan at Nicanor Tiongson, ay nakakalap sila ng sapat na pondo upang simulan ang konstruksiyon ng nasabing gusali. Ang Media Center ay tahanan ng DZUP, ang opisyal na estasyon sa radyo ng Unibersidad ng Pilipinas.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sites and Symbols 2: UP Diliman Landmarks (2005)