Ulo ng tinggil
Ang ulo ng tinggil o dulo ng tinggil (Ingles: clitoral glans, glans clitoridis) ay isang panlabas na bahagi ng tinggil.
Anatomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Natatakpan ito ng prepusyo ng tinggil, na panlabas din at nakadikit sa labia minora ("maliit na labi") ng puki. Nakadikit din ito sa frenulum clitoridis, na nakadikit din naman sa labia minora. Ang ulo ng tinggil ay nakadikit sa katawan ng tinggil, na nasa loob.
Pisyolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ulo o dulo ng tinggil ay halos kasinlaki at kahugis ng isang pea, bagaman maaaring maging mas malaki o mas maliit. Ito ay napakamapandama, maselan, o sensitibo, na naglalaman ng maraming mga dulo ng nerb (katulad ng sa ulo ng titi ng mga lalaki), subalit nakakalat lamang sa isang mas maliit na kapatagan, kaya't partikular na angkop o akma ito para sa estimulasyong seksuwal.[1] Habang naaantig na seksuwal, ang dulo ng tinggil ay napupuno ng dugo at minsang umuusli o umuungos sa labas magmula sa prepusyo ng tinggil o umuulbok sa ilalim ng prepusyong ito.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Handbook of Psychophysiology, nina John T. Cacioppo, Louis G. Tassinary, Gary G. Berntson, ika-3 edisyon, may ilustrasyon, rebisado, Cambridge University Press, 2007, ISBN 0521844711, 9780521844710, 898 mga pahina, pp 246-247.
- ↑ Masters, Johnson, William and Virginia (1988). Sex and Human Loving. Little, Brown & Company. ISBN 0316501603.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- SUNY Labs 41:02-0203 - "The Female Perineum: The Vulva"