Pumunta sa nilalaman

Pagkapandak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Unano)
Pagkapandak
Isang lalaki sa Columbus, Indiana, Estados Unidos na may pagkapandak dahil sa achondroplasia
EspesyalidadEndokrinolohiya, henetikang pangmedisina
SanhiHyposekresyon ng hormona sa paglago mula sa glandulang pituitaryo (kakulangan sa hormona sa paglago), mga sakit panghenetika

Ang pagkapandak ay nangyayari kapag ang isang organismo ay lubhang maliit.[1] Sa tao, binibigyan ito ng kahulugan minsan bilang isang adulto na may taas na mas mababa sa 147 sentimetro (4 talampakan 10 pulgada), anuman ang kasarian, bagaman, may ilang indibiduwal na may pagkapandak na bahagyang matangkad.[2][3] Ang pagkapandak na desproporsyonado ay nakikita sa pamamagitan ng maiksing biyas o maiksing katawan. Kadalasang normal ang katalinuhan, at karamihan ay may normal na haba ng buhay.[4][5]

Ang pinakakaraniwan at pinakakilalang anyo ng pagkapandak sa tao ay ang sakit panghenetika na achondroplasia, na sinasaklaw ang 70% ng mga kaso.[6] Samantala ang karamihan sa natitirang kaso ay dahil sa kakulangan sa hormona sa paglago.[7] Depende ang paggamot sa pinagbabatayang dahilan. 'Yung mga dahil sa sakit sa henetika, ginagamot ito sa pamamagitan ng pagtistis o terapewtikang pisikal. Nagagamot din naman ang diperensya sa hormona sa pamamagitan ng terapewtika sa hormona sa paglago bago ang pagsanib ng plaka ng paglago. Ang mga indibiduwal na akomodasyon, tulad ng espesyalisadong kasangkapan, ay kadalasang ginagamit ng mga taong may pagkapandak.[8] Binibigay ng maraming pangkat pansuporta ang mga serbisyo upang tulungan ang mga indibiduwal at upang labanan ang diskriminasyon na kanilang hinaharap.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Definition of DWARFISM". Merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "MedlinePlus: Dwarfism". MedlinePlus (sa wikang Ingles). National Institute of Health. 2008-08-04. Nakuha noong 2008-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "FAQ". Lpaonline.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Restricted growth (dwarfism) – NHS Choices". Nhs.uk (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-06. Nakuha noong 2017-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Pauli, RM; Adam, MP; Ardinger, HH; Pagon, RA; Wallace, SE; Bean, LJH; Mefford, HC; Stephens, K; Amemiya, A; Ledbetter, N (2012). "Achondroplasia". GeneReviews (sa wikang Ingles). PMID 20301331.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Wayback Machine" (PDF) (sa wikang Ingles). Hulyo 13, 2018. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 13, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Dwarfism" (sa wikang Ingles). KidsHealth. Nakuha noong 2015-06-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Hagenäs L, Hertel T (2003). "Skeletal dysplasia, growth hormone treatment and body proportion: comparison with other syndromic and non-syndromic short children". Horm. Res. (sa wikang Ingles). 60 Suppl 3 (3): 65–70. doi:10.1159/000074504. PMID 14671400. Nakuha noong 2008-11-17.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Dwarfism: Treatment and drugs". MayoClinic.com (sa wikang Ingles). Mayo Foundation for Medical Education and Research. 2007-09-27. Nakuha noong 2008-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)