Unibersidad ng Oregon
Ang University of Oregon (kilala din bilang bilang UO o Oregon) ay isang pampubliko at flagship na unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Eugene, estado ng Oregon, Estados Unidos. Ang UO ay itinatag noong 1876.[1] Ang kampus ng institusyon ay may laking 295 akre at matatagpuan sa kahabaan ng Ilog Willamette.[2] Mula Hulyo 2014, ang UO ay pinamamahalaan sa pamamagitan ng Lupon ng Tagapangasiwa ng Unibersidad ng Oregon.[3] Ang pamantasan ay may klasipikasyong "pinakamataas na aktibidad ng pananaliksik"[4] na ginawad ng Carnegie Classification at merong 21 sentro at instituto ng pananaliksik.[5] Ang UO ay naging myembro ng Association of American Universities noong 1969.[6]
Ang UO ay nag-aalok ng 316 undergradwado at gradwadong programang digri sa isang malawak na hanay ng mga disiplina.[7] Ang unibersidad ay organisado sa walong kolehiyo: ang Robert D. Clark Honors College (ang pinakamatandang honors' college sa Estados Unidos), ang School of Architecture and Allied Arts, ang College of Arts and Sciences, ang Charles H. Lundquist College of Business, ang College of Education, ang School of Journalism and Communication, ang School of Law, at ang School of Music and Dance. Bukod pa rito, merong Paaralang Gradwado na nangangasiwa sa sa mga programang digri at sertipiko ng unibersidad sa antas gradwado.[8]
Mga tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga myembro ng fakulti, mananaliksik, at alumnong konektado sa Unibersidad ng Oregon ay kinabibilangan ng 2 nagwagi ng Nobel Prize, 13 nagwagi ng Pulitzer Prize, 19 Rhodes scholars, 4 Marshall scholars, 58 Guggenheim Fellows, and 129 Fulbright scholars.[9][10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The UO and Oregon—Together Forever".
- ↑ "Campus Maps".
- ↑ "Oregon Senate confirms the Board of Trustees of the University of Oregon".
- ↑ "UO improves into top tier of U.S. research institutions" Naka-arkibo 2018-09-25 sa Wayback Machine..
- ↑ "Centers & Institutes" Naka-arkibo 2015-06-20 sa Wayback Machine..
- ↑ "Member Institutions and Years of Admission" Naka-arkibo 2012-10-28 sa Wayback Machine..
- ↑ "125th Anniversary: History of the University of Oregon; University Boom".
- ↑ "About Us".
- ↑ "Top Scholars".
- ↑ "About the School of Journalism & Communication".