Pumunta sa nilalaman

Pamantasang Yale

Mga koordinado: 41°18′40″N 72°55′36″W / 41.311111111111°N 72.926666666667°W / 41.311111111111; -72.926666666667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Unibersidad ng Yale)
Yale Law School

Ang Pamantasang Yale (Ingles: Yale University) ay isang Amerikanong pribadong Ivy League research university sa New Haven, Connecticut. Itinatag noong 1701 sa Saybrook Colony bilang ang Collegiate School, ang Unibersidad ay ang ikatlong pinakamatandang institusyon ng mas mataas na edukasyon sa Estados Unidos. Ang paaralan ay pinalitan bilang Kolehiyong Yale noong 1718 bilang pagkilala sa kaloob ni Elihu Yale, na noon ay gobernador ng British East India Company. Itinatag upang sanayin ang mga Congregationalist na mga ministro sa teolohiya at banal na wika, noong 1777 ang kurikulum ng paaralan ay nagsimulang maglahok ng mga kurso sa humanidades at agham. Sa ika-19 siglo ang paaralan ay nagtatag ng mga programa sa antas gradwado at propesyonal, kung saan ginawad din ang unang Ph. D. sa Estados Unidos noong 1861 at naorganisa ang paaralan bilang unibersidad noong 1887.[1]

Sumusunod ang Kolehiyo ng Yale sa isang liberal arts curriculum na merong departmental majors at nakaorganisa sa isang sistema ng mga kolehiyong residensyal.

Ang Yale ay ang institusyon kung saan nagtapos ang maraming kilalang alumni, kabilang ang limang Pangulo ng US, 19 Hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng US,[2] at maraming mga dayuhang mga pinuno ng estado. Sa karagdagan, ang Yale ay ang paaralan kung saan nagtapos ang daan-daang miyembro ng Kongreso at mga mataas na diplomatiko ng US. 52 Nobel laureates, 5 Fields Medalists, 240 Rhodes Scholars, at 118 Marshall Scholars ang may kaugnayan sa Unibersidad.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Academic programs | Yale". Yale.edu. Nakuha noong Setyembre 16, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Ten Colleges Most Likely to Make You a Billionaire". Nakuha noong Agosto 13, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Number of Winners by Institution". Nakuha noong Setyembre 15, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

41°18′40″N 72°55′36″W / 41.311111111111°N 72.926666666667°W / 41.311111111111; -72.926666666667