Unification Church
Unification Church building in Seoul | |
Klasipikasyon | Unification Church movement |
---|---|
Teolohiya | Christianity |
Pinuno | International: Hak Ja Han Moon Hyung Jin Moon |
Lugar na sakop | Worldwide |
Nagtatag | Sun Myung Moon |
Lugar ng Pagtatag | May 1, 1954 Seoul, Korea |
Opisyal na Websayt | Unification Church official website |
Notes |
Ang Holy Spirit Association for the Unification of World Christianity na kilala rin bilang Family Federation for World Peace and Unification at karaniwang tinatawag na Unification Church o Unificationism,[1][2] ay isang bagong kilusang relihiyoso na itinatag sa Timog Korea noong 1954 ni Sun Myung Moon. Simula ng pagkakatatag nito, ang iglesiang ito ay kumalat na sa buong mundo. Ito ay pinaka-prominente sa Silangang Asya. [3] Ang mga tagasunod nito ay minsang tinatawag na mga Moonie na hinago sa pangalan ng tagapagtatag nito.[4]
Ang mga paniniwala ng Unification ay nakabatay sa Bibliya at ipinapaliwang sa aklat ng iglesiang ito na Divine Principle. Itinuturo nito na ang Diyos ang manlilikha na ang dalawang kalikasan nito ay nagsasalo ng maskulinidad at pemininidad. Ang seremonyang pagpapala ng Unification Church na isang kasal o seremonyang muling dedikasyong kasal ay isang kasanayan ng iglesiang ito na nakaakit ng malawakang pansin ng publiko. Ang iglesiang ito ay nakilahok sa mga gawain sa pagitan ng ibang mga relihiyon kabilang ang Kristiyanismo at Islam sa kabila ng mga pagkakaiba sa teolohiya ng mga ito. Ito ay pinamunuan ni Moon hanggang sa kanyang kamatayan noong Setyembre 3, 2012. Iniulat na sa kanyang kamatayan, ang kanyang asawang si Hak Ja Han at kanilang mga Amerikanong anak na lalakeng sina Hyung Jin Moon at Kook Jin Moon ang hahaliling pinuno ng iglesiang ito.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Matczak, Sebastian (1982). Unificationism: A New Philosophy and Worldview. New York, NY: New York Learned Publications.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Unificationism". The Free Dictionary. Farlex, Inc. 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Email Us. "'Moonies' founder dies, aged 92 - The Irish Times - Mon, Sep 03, 2012". The Irish Times. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-01-03. Nakuha noong 2012-09-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Miller, Timothy (1995). America's Alternative Religions. State University of New York Press. pp. 223, 414. ISBN 0-7914-2398-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)