Usapan:Agham pangkompyuter
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Agham pangkompyuter. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Plano sa pag-aasimila ng teknikal na bokabularyo ng agham pangkompyuter
[baguhin ang wikitext]Paano natin gagawing angkop sa Tagalog ang mga termino ng agham pangkompyuter? Ang mga ibang salita kasi sa agham pangkompyuter ay mahirap bigyan lamang basta basta ng ortografiyang Tagalog. Sa ngayon ay mananatili muna ang Inggles na spelling. Subalit kailangang mayroon na tayong plano kung paano tuluyang maaangkin ng Tagalog ang bokabularyo ng agham pangkompyuter. Maaaring halo ito ng pagbabago ng ortografiya at pagsasalin. Ano sa tingin ninyo?
- Maaari din namang isalin sa Tagalog ang salitang "computer" bilang "taga-tuos". Mula sa unlaping "taga" + salitang-ugat na "compute" na "tuos" sa Tagalog. Samakatuwid, ang salin ng "computer science" sa Tagalog ay "agham ng taga-tuos". Ngunit di ginagamit ang ganitong salin at maaari na di maunawaan ng ibang tao kung gagamitin ito maliban kung tanggapin ito ng akademya at madalas na ginagamit. At saka, maraming kahulugan ang salitang "tuos". --Jojit fb 07:38, 14 Jun 2005 (UTC)
Agham pangkompyuter o agham ng kompyuter?
[baguhin ang wikitext]Ngayon ko lang napansin itong artikulong ito, sa aming katunayan ng pagtatapos kasi, ang nakalagay ang batsilyer ng agham ng komputer bilang salin sa bachelor of science in computer science?
Alin po sa dawala ang mas tamang gamitin??
--Mananaliksik 10:48, 21 Hunyo 2007 (UTC)
Ano nga ba?
[baguhin ang wikitext]Suriin natin ang mga salitang maaring isalin sa wikang tagalog, lumikha muna ng talaan at isa isang suriin ang mga salitang nailimbag. Isang paraan upang mahanap ang mas nararapat na salita ay ang pag unawa sa kahulugan ng Computer Science.
agham ng komputer | kung isasalin sa wikang ingles "science of computer" o "computer's science".(Agham na ginagamit ng komputer) |
agham pangkomputer | halos katugma ng "computer science" ngunit maaring mag karoon ng hindi wastong pag kakaunawa(halimbawa: "Science for the computers") |
agham sa komputer | "science on computers???", hindi ko pa alam. Mananaliksik muna ako. |