Usapan:Arthur Yap
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Arthur Yap. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Isinaling artikulo mula sa Ingles na Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Ang nilalaman nito ay isinalin na artikulo ukol sa parehong talambuhay ng iisang tao na sir Arthur C. Yap kaya pareho ang sangguniang na ginamit mula Wikipedian Ingles.
https://en.wikipedia.org/wiki/Arthur_C._Yap
Arthur “Art” Cua Yap (ipinanganak noong 10 Nobyembre 1965), isang Pilipinong politiko at dating gobernador ng Bohol mula taong 2019 hanggang 2022. Siya ay naging Kalihim ng Department of Agriculture sa ilalim ng administrasyong Arroyo noong 2004 hanggang 2005 at mula 2006 hanggang 2007. Siya ay naging kongersista mula taong 2010 hanggang 2019 sa ikatlong Distrito ng Bohol.
Unang bahagi ng buhay at edukasyon
Si Yap ay ipinanganak noong ika-10 ng Nobyembre 1965 sa Manila. Siya ang panganay sa tatlong anak nina Domingo Yap at Natividad Cua. Ang kaniyang ama ay ipinanganak sa Jolo,Sulu at may lahing Chinese-Tausug habang ang kanyang ina ay mula sa Dagupan, Pangasinan.
Para sa kanyang edukasyon sa elementarya at mataas na paaralan, nag-aral si Yap sa Xavier School mula 1973 hanggang 1983. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila University para sa kolehiyo at nagtapos noong 1987 sa kursong Management Economics. Siya ay isang Dean’s lister sa panahong ito at si Gloria Macapagal Arroyo bilang kanyang propesor sa ekonomya. Pagkatapos ay nagtungo siya sa Ateneo de Manila University School of Law para sa kannyanh Juris Doctor’s degree. Siya ay pumasa sa Philippine Bar noong 1992.
Karera sa politika
Habang nag-aaral, si Yap ay na-recruit ng kanyang propesor para sumali sa Balane, Barican, Cruz, Alampay Law Office. Nagtrabaho siya doon ng halos dalawang taon. Matapos makapasok sa bar, siya ay inirekomenda ni Fr. Joaquin Bernas na sumapi sa law office ni dating Associate Justice Adolfo Azcuna. Dahil doon, naging associate lawyer siya ng Azcuna, Yorac, Sarmiento, Arroyo, Cua Law Office.
Noong huling bahagi ng dekada 1990, kapwa itinatag ni Yap ang Ejercito-Yap-Butchong Law Office. Siya ay kaanib din sa Yap, Jacinto, Jacob Law Office bilang Co-Founding Partner. Dati siyang National President ng Philippine Association of Paint Manufacturers.
Unang pumasok si Yap sa serbisyo ng gobyerno noong Agosto 2001 bilang Pangulo at CEO ng Philippine International Trading Corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry. Pagkatapos noon, nagsilbi siya bilang Tagapangasiwa ng National Food Authority sa loob ng dalawang taon at bilang Agriculture Undersecretary para sa Luzon Operations, pagkatapos nito ay isang maikling tungkulin bilang Kalihim ng Agrikultura. Isa siya sa pinakabatang itinalaga sa Gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Siya rin ay itinalaga bilang Development Champion para sa North Luzon Agribusiness Quadrangle (NLAQ). Pagkatapos ay umalis siya sa puwesto noong Hulyo 2005 upang bigyang-daan si Domingo Panganiban.
Noong Disyembre 2005, naging Presidential Adviser siya para sa Job Creations. Pagkatapos ay naging ika-15 Direktor Heneral siya ng Presidential Management Staff, ang ikalimang posisyon na itinalaga sa kanya sa administrasyong Arroyo. Muli siyang hinirang bilang Kalihim ng Agrikultura noong 2006. Nagbitiw siya sa kanyang posisyon noong Pebrero 2010 upang tumakbo bilang miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Mula 2010 hanggang 2019, si Yap ay isang kongresista na kumakatawan sa ikatlong distrito ng Bohol. Habang naroon, humawak siya ng iba't ibang posisyon tulad ng pagiging assistant minority leader ng Committee on Rules, vice-chairman ng Committees on Globalization And WTO, Government Enterprises And Privatization, at Ecology,chairman ng Committees on Reforestation at Economic Affairs, at pagiging deputy speaker mula 2018 hanggang 2019
Noong 2019 halalan sa pagka-gobernador ng Pilipinas, tumakbo si Yap bilang gobernador ng Bohol sa ilalim ng PDP–Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasama sa kanyang mga kalaban si dating Cabinet Secretary Leoncio Evasco. Nanalo si Yap sa maliit na margin na 2,161 boto na nakakuha ng 326,895 boto laban sa 324,734 ni Evasco. Nanumpa siya noong Hunyo 30, 2019, opisyal na naging ika-26 na gobernador ng Bohol.
Personal na buhay
Ikinasal si Yap kay Carolyne Varquez-Gow, tubong Loboc, Bohol. Magkasama silang may dalawang anak. JuanaWan (kausapin) 03:26, 25 Enero 2023 (UTC)