Pumunta sa nilalaman

Usapan:Karbonipero

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Karbonipero ba ay maaaring gamitin para rito?

[baguhin ang wikitext]

Ayon sa ikalawang kahulugan sa UPDF/Diksiyonaryo, ang Karbonipero ay "tumutukoy sa panahong laganap ang mga haláman, tangrib, at batóng apog, na sa paglipas ng panahon ay nábaón sa ilalim ng lupa at naging karbon."[1] Para sa akin, mukhang tugma naman ito sa panahong Carboniferous, na kilala at ipinangalan nga naman sa mataas na lebel ng karbon. Caehlla2357 (kausapin) 02:26, 3 Pebrero 2022 (UTC)[tugon]

@Caehlla2357 Maaari mong ilipat ang artikulong ito (Carboniferous) patungo sa iyong hain na Karbonipero. Mas maganda kung mas Tagalog kaysa sa paggamit ng Ingles na salita. --Likhasik (kausapin) 05:06, 6 Pebrero 2022 (UTC)[tugon]
Ang dahilan sa pag-usap ay upang makahingi ng consensus/konsenso sa kung dapat ito ilipat. Salamat, Caehlla2357 (kausapin) 23:52, 6 Pebrero 2022 (UTC)[tugon]
@Caehlla2357 Matatagalan ka sa konsenso dahil kaunti lamang ang mga taga-ambag dito. At para sa akin, payag ako sa paglipat. May binigay kang batayan para sa bagong pangalan at lohikal naman ang pagkakabuo ng salita. Hindi na kailangang pagnilayan pa. --Likhasik (kausapin) 12:10, 7 Pebrero 2022 (UTC)[tugon]
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "karbonipero". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)