Pumunta sa nilalaman

Usapan:Letonya

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

‘NCCA’ ’di ‘NCAA’

[baguhin ang wikitext]

Nagkamali ako. Dapat ‘NCCA’ at ’di ‘NCAA’ yung nasa seksyong History.

Letonia/Letonya ang tamang pangalan, hindi Latbiya

[baguhin ang wikitext]

Ayon sa REAL ACADEMIA ESPAÑOLA, Letonia ang katagang tradisyonal sa wikang Kastila. Kung minana mula sa Kastila ang mga pangalan ng mga lungsod, bayan at kaharian sa daigdig, ito dapat ang ituring na wastong paggamit. (http://buscon.rae.es/dpdI/SrvltConsulta?lema=Letonia)

Sinusunod ng Tagalog Wikipedia ang pangalang ginamit sa mga lathalaing nakasulat sa Tagalog/Pilipino/Filipino. Makikita Concise English-Tagalog Dictionary (Panganiban, Jose Villa; 1969) ang pangalang "Latbiya" [na sa aking pananaw] ay mula sa Ingles kaya ito ang ganamit. Mas mainam kung may maibibigay kang sangguniang Tagalog/Pilipino/Filipino na gumagamit ng pangalang "Letonia"/"Letoniya". Basahin din ang Wikipedia:Pagsasalinwika. --bluemask 00:33, 4 Pebrero 2011 (UTC)[tugon]
Ayon din sa 2008 Ortograpiya, ang unang tuntunin sa paghihiram ay dapat gamitin muna ang nasa leksikon bago manghiram sa ibang wika. Higit sa iyon, ang regulador ng Tagalog ay ang Komisyon sa Wikang Filipino, hindi ang Real Academia Española, o kahit ang Academia Filipina de la Lengua Española. --Sky Harbor

(usapan) 01:36, 4 Pebrero 2011 (UTC)[tugon]

Kung gayong ipagpipilitan ang mga katagang galing sa isang aklat na kahina-hinala, ay dapat ang tawang nating mga nagta-Tagalog sa mga bansang Espanya ay "Ispeyn," Alemanya ay "Dyermani," atbp. Ngunit hindi. Ang karamihan sa ating mga pangalan para sa mga ibang bansa (lalung-lalo na sa mga bansang Europeo) ay galing sa wikang Kastila. Ang sinasabi niyong lathala ay, sa aking pananaw, hyper-nationalist at puro halos mga imbento pagdating sa mga katagang may-kinalaman sa heograpiya ng Europa. Higit sa tatlong siglo ang impluho ng wikang Kastila sa talasalitaan ng Tagalong, at noon hanggang ngayon ang wikang Kastila lamang ang tunay na kaugnayan ng wikang Tagalog sa mga paksang Europeo. --Redcorreces (usapan)