Pumunta sa nilalaman

Usapan:Mark Jimenez

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Dear Mr. Felipe Aira:

Salamat po sa inyong mensahe sa akin. Pinagaaralan ko pa po kung papaano ilalagay ang mga links sa artikulong Mark Jimenez na hindi pa po tapos dahil medyo bisi pa po ako ngayon.

Ang inakabuod po ng artikulo ay galing a diretsang panayam kay Mark Jimenez, pagsama sa kanyang pamimigay at pagtulong sa ibat-ibang dako ng Pilipinas, at mga research sa na-publish ng mga lokal at banyagang artikulo. Humihingi po ako ng panahon upang maisa-ayos ang mga ito.

Ako po ay sumusulat sa English, subalit taal na taga Laguna kung kaya nakakautay akong magsulat ng tagalog. Bagaman at hindi masasabing propesyonal ang kalidad. Bago lang po ako sa Tagalog na Wikipedia kung kaya pagpasensiyahan ninyo at hindi pa ako sanay sa mga sistema dito. Hindi ko nga malaman kung saan kayo sasagutin. Muli salamat po at hihingi ako ng tulong sa dako dako diyan kung kailangan.

Mahigit na pong 30 taon ang karanasan ko sa pagsulat, 17 taon dito ay nakabase sa Hong Kong at editor ng siyam na espesyal na publikasyon na pag-aari ng isang kumpanyang Amerkano at naka-focus sa ekonomiya, pulitika, sosyal na analysis ng mga bansa sa Asya para sa mga negosyante, investors, at taga-gawa ng polisiya sa gobyerno. Retired na po ako ngayon. Salamat po.


cesardalagan

G. Aira:

Tulad po ng nabanggit ko, baguhan po ako dito sa tagalog Wikepedia at hindi propesyonal na manunulat sa wikang ito. Wala pa rin po akong nalalaman sa mga polisiya dito at ni hindi ko alam kung ano ang mga pipindutin upang makipag-ugnayan kaninuman o baguhin ang mga kailangan.

Kaya humihingi po ako ng tulong. Papaano po ba ibabalik at dadagdagan ang aking edit? Kailangan po ba na lagyan na agad ng mga links? Nabasa ko po ang mga diskusyon sa mga larawan o pictures sa tinatawag na Commons. Ang tanong ko po, maaari ba na maglagay ng mga larawan sa artikulo upang ipakita (illustrate) ang nilalaman ng artikulo o ipakita na totoo ang sinasabi sa artikulo?

Tulad po ba ng sa mga magasin?

Marami pa po akong nais itanong, sana ay ako ay matulungan dahil hindi lamang ang artikulong tungkol kay Mark Jimenez ang maaari kong maiambag. Bagaman sa ngayon, maliban sa asawa at kapatid at anak ni Mark, isa ako sa nakakaalam ng mga episode sa buhay niya dahil halos isang taon ko siyang nakasama at ako ay ilan lamang sa mga taong pinapayagn niyang makasalo sa pagkain at makausap hanggang madaling araw. Saksi po ako sa maraming eksena sa buhay niya subalit hindi po niya ako empleyado.

O kaya ay PR man. Nagkakilala po kami ng sumulat ako ng isang obdyektibong artikulo ukol sa kanya sa ilalim ng ibang pangalan (pseudonym). Marahil nagustuhan niya iyon at ipinahanap niya ako. Bagay na hindi naging madali sapagkat walang nakaka-alam ng aking pangalan na ginamit noon pang mga 1980s bago ako nag-abroad.

Naganyak lamang po ako na sumulat tungkol sa kanya ng aksidenteng makita ko ang stub na nagsasabing siya ay "kontrobersyal na pulitiko".

Salamat po.

Matutulungan ko po kayo sa mga tanong ninyo. Tungkol sa artikulo, isa po kasing patakaran ng lahat ng Wikipedya na mayroon dapat na patunay ang nasusulat sa isang artikulo. Kahit sinasabi niyo po sa aming kayo ay nakapanayam ni Mar Jimenez, kailangan pa rin po namin ng proweba. Ito ay dahil maaari namang sabihin ng kahit sino mang tao ang sinasabi niyo ngayon. Bagaman hindi ko po kayo pinagbibintangang kayo ay sinungaling, kailangan po namin ng inyong patunay. Makapagbibigay po ba kayo ng alin mang websayt na naglalathala rin ng parehong impormasyon? Kung ganoon maaari niyo rin po iyang ilagay dito. Tungkol naman sa mga dating pagbabago, makikita niyo po iyon sa pagpindot ng "kasaysayan" sa itaas ng artikulo. -- Felipe Aira 05:50, 15 Hunyo 2008 (UTC)[tugon]