Usapan:Mga wikang Austronesyo
Itsura
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Mga wikang Austronesyo. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Tamang pagbaybay
[baguhin ang wikitext]Ano ba ang talagang baybay? "Austronesyo" nga ba "Awstronesyo"? Sa palagay ko ay mas angkop pa rin ang baybay na "Awstronesyo" para sa wikang Tagalog. - Lee Heon Jin 15:30, 21 Enero 2009 (UTC)
- Ngayon ko lang napansin, pero sang-ayon ako sa iyo. Kailangang gamitin ang kumbinasyong aw para maalis ’yong malaw-aw sa gitna ng au. --Pare Mo 18:19, 29 Enero 2009 (UTC)
- Inilipat ko ito pabalik sa "Austronesyo". Kung tutuusin, walang konsistensi ang pagbigkas ng naturang salita, at ito ay nag-iimpluwensiya sa pagbaybay nito. Ang pinakamahalagang halimbawa dito ay ang Australya, na gamit ang au sa halip na aw. Kahit kung ang bigkas ng ilang tao ay maka-aw, mayroon ring mga tao na ang bigkas nila ay mala-au (na parang o at mas malapit sa orihinal na Espanyol at sa Ingles rin). May konsiderasyon rin dito ang precedent: sa Wikipedia, mas karaniwan ang "au" kaysa sa "aw" hindi lamang dahil sa bigkas kundi rin dahil sa estetika: este, mas magandang tingnan ang "Australya" kaysa sa "Awstralya", "automatiko" kaysa sa "awtomatiko", atbp. --Sky Harbor (usapan) 08:26, 6 Marso 2009 (UTC)