Pumunta sa nilalaman

Usapan:Muhammad Dipatuan Kudarat

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Itinuring siya ng mga espanyol na napakalaking hadlang sa kanilang pagpapalaganap ng kristiyanismo sa Mindanao. Si Muhammad Dipatuan kudarat ay matalino at matapang kaya nahirapan sa kanya ang mga mananakop. Buo ang tiwala ng mga nasasakupan ng sultan kaya isa’y walang nagkanulo sa kanya. Pinamunuan ni sultan kudarat – Corralat para sa mga espanyol- ang sultanato ng maguindanao mula 1619 hanggang 1671. isinilang siya noong huling dekada ng ika-16 na siglo. Anak siya ni Datu Buisan, isang iranun at ambang. Ang kanyang ngalan Dipatuan ay hinango sa salitang malay na nangangahulugang pinuno, at ang kudarat ay salitang arabiko para sa lakas. Iginalang siya maging ang mga naninirahan sa paligid sultanato ng maguindanao sa kanyang pamumuno, napagkaisa niya ang kulturat sa Lanao, Cotabato, Davao at Zambuanga. Nagkaisa sila sa pagtutol sa pananakop ng mga espanyol. Noong 1637, nagpadala si gobernador heneral Sebastian hurtado de corcuero ng ekspedisyon mananakop sa lupain ng kudarat. Napabagsak ng mga kaaway ang kanyang mga kuta sa lamitan. Ngunit nakatakas si kudarat sa kabundukan at doon nagipon ng lakas at puwersa upang ipagpatuloy ang kanyang pakikipaglaban sa mga mananakop. Hindi kailanman nadakip ng mga kaaway si kudarat. Nang mamatay siya noong 1671, humalili sa pagka-sultan ang kanyang anak na si datu Dundang tiidulay, na nakilala sa titulong self-ud-Din. Bilang pagkilala kay sultan kudarat, isang bantayog ang ipinatayo sa makati, metro manila. Isang lalawigan at isang bayan ang isinunod sa ngalan niya. May dekorasyong pandiplomatiko at selyong nagtataglay ng kanyang ngalan.

Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Muhammad Dipatuan Kudarat"

Magsimula ng isang usapan