Usapan:Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Pangalan ng artikulo
[baguhin ang wikitext]Tanong: Bakit kailangan na maliit ang "t"?
Sagot: Dahil ito ang nakaugalian (convention) sa pagpapangalan kung saan maliit ang mga titik sa loob ng mga panaklaw maliban na lamang kung bahagi iyon ng opisyal na pangalan o isang pangngalang pantangi.
Maaari lamang pong gamitin ang malaking "t" kung ang may maibibigay po kayong patunay na ang opisyal na pangalan nito sa Ingles ay Olympics 2008 (Summer) o Olympic Games 2008 (Summer); kung saan ang summer ay bahagi ng opisyal na pangalan kaya hindi ito mapapaliit. Kundi po kayo makapagbibigay kailangan pong gamitin ang malaking titik.
-- Felipe Aira 06:33, 2 Agosto 2008 (UTC)
- Dapat lang nga wala nang "tag-init" sa pamagat. Maraming Wikipedia ang nagtatanggal ng salitang "tag-init" o "tag-lamig" sa mga pangalan ng mga artikulong may ugnayan sa Palarong Olimpiko. O kaya maaari ring "Palarong Olimpikong Tag-init 2008". --Sky Harbor (usapan) 06:39, 2 Agosto 2008 (UTC)
- Kailangan talagang paghiwalayin ang mga kaganapan para sa Tag-init at Tag-lamig bagaman sakop sila ng Palarong Olimpiko ng taong 2008. May Summer Olympics at may Winter Olympics e. - AnakngAraw 07:15, 2 Agosto 2008 (UTC)
- Pero Tapos na.. Nilipat at ginamit ang Palarong Olimpiko Tag-init 2008 para katumbas ng 2008 Summer Olympics. - AnakngAraw 07:15, 2 Agosto 2008 (UTC)
- Tandaan na may dalawang taong pagkahiwalay ng Palarong Olimpiko sa panahong tag-init at tag-lamig. Ang susunod na Palarong Olimpiko ay ang palarong tag-lamig sa 2010 na gaganapin sa Vancouver, ngunit ang susunod na palarong tag-init ay sa 2012 na gaganapin sa Londres. --Sky Harbor (usapan) 10:31, 5 Agosto 2008 (UTC)
- Bagaman may pagitan sa panahon, kailangan pa ring tukuyin kung Tag-init o Tag-lamig para alam agad ng mambabasa isang tingin pa lang, at saka bakit hindi ilalagay ang mga iyan, lalo na kung may "kakayahan" naman ang wikang mailagay ang espesipikong pamagat, para hindi heneral. - AnakngAraw 14:23, 5 Agosto 2008 (UTC)
- Tandaan na may dalawang taong pagkahiwalay ng Palarong Olimpiko sa panahong tag-init at tag-lamig. Ang susunod na Palarong Olimpiko ay ang palarong tag-lamig sa 2010 na gaganapin sa Vancouver, ngunit ang susunod na palarong tag-init ay sa 2012 na gaganapin sa Londres. --Sky Harbor (usapan) 10:31, 5 Agosto 2008 (UTC)
- Pero Tapos na.. Nilipat at ginamit ang Palarong Olimpiko Tag-init 2008 para katumbas ng 2008 Summer Olympics. - AnakngAraw 07:15, 2 Agosto 2008 (UTC)
- Kailangan talagang paghiwalayin ang mga kaganapan para sa Tag-init at Tag-lamig bagaman sakop sila ng Palarong Olimpiko ng taong 2008. May Summer Olympics at may Winter Olympics e. - AnakngAraw 07:15, 2 Agosto 2008 (UTC)
Kumento ng kumento, hindi naman tumutulong
[baguhin ang wikitext]Oh ano, Felipe Aira at Sky Harbor, kumento kayo ng kumento hindi na nga kayo tumutulong sa paggawa ng lathalaing ito. Ako, Delfindakila at si AnakngAraw ang naghihirap sa paggawa ng lathalain. Nangiyak-iyak pa nga kami.
Basta ang premyo ng aming paghihirap (dugo at pawis) ay magkaroon ng gintong medalya ang Pilipinas. - Delfindakila 04:07, 4 Agosto 2008 (UTC)
Kritisismo
[baguhin ang wikitext]Iminumungkahi ko po para mas lalo pang maging malawak ang artikulong maglakip po kayo ng isang seksyon para sa Kritisismo sa bandang huli (nakaugalian na kasing ilagay iyon sa huli) upang hindi tayo maging makaOlimpiko. Kailangan po kasi ipinapakita ng artikulo ang lahat ng panig at opinyon. At hindi naman po lahat ng tao ay sumusuporta sa Olimpiko ng Tsina dahil sa kalagayan ng mga karapatang pantao roon, at may iba pa nga pong nagmumungkahing huwag salihan ito. Makakabuti po kung mailalakip ang mga iyon sa artikulo. -- Felipe Aira 08:21, 8 Agosto 2008 (UTC)
- Felipe Aira, heto na po: Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008#Mga alintana at kontrobersya. Maraming salamat po - Delfindakila 13:24, 19 Agosto 2008 (UTC)
Mga pangalan ng bansa
[baguhin ang wikitext]Ayon sa patakaran ng Wikipedia at ng mga tuntunin ng palabaybayan ng Filipino, dapat pinapanatili ang orihinal na baybay ng mga lugar maliban sa mga lugar na may salin. Maraming lugar ay gumagamit ng saling binaybay nang bigkas-sulat-basa o konstruksyon na hindi tanggap (hal. "Mga Nagkakaisang Estado" kaysa sa "Estados Unidos"). Batay dito, maliban sa mga lugar na may tanggap na salin (Pransya, Espanya, Polonya at mga mas bago ayon sa ibang diksyonaryo tulad ng Singgapur, Suwisa at Indonesya), dapat ibalik ito sa baybay nito sa Ingles. --Sky Harbor (usapan) 14:38, 9 Agosto 2008 (UTC)
- Hindi ka naman tumutulong, eh! Kapag ikaw ang nagsasalin, pumapangit ang Tagalog! - Delfindakila 07:20, 11 Agosto 2008 (UTC)
- Excuse me, hindi ako tumutulong? Una, inoobserbahan dito ang patakarang walang personalan, kaya hanggang may matibay kang ebidensiya na hindi maganda ang aking pagsasalin at ang aking mga ambag ay kabaligtaran sa pagpapaunlad ng Wikipedia, patunayan mo. Ikalawa, ang ginagawa ko lang ay nagpapanatili ng konsistensi sa paggamit ng Filipino. Ano kaya ang mas madalas gamitin ng sambayanan: Mga Nagkakaisang Estado o Estados Unidos (tandaan na lalo na sa pangalan ng mga bansa, matinding 'di pinapayagan ang orihinal na pagsasaliksik at dapat ang karaniwang ginagamit ay ang ginagamit dito batay sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino hangga't may sanggunian ang salin sa Filipino ng pangalan ng tinuturing na bansa)? --Sky Harbor (usapan) 12:20, 11 Agosto 2008 (UTC)
- Ganyan talaga ako magpahayag, WALANG PLASTIKAN! Ngayon lumabas na ang totoong kulay mo. - Delfindakila 12:48, 12 Agosto 2008 (UTC)
- Ano naman kaya iyon? Sumusunod lang ako sa patakaran ng Wikipedia na nakatatag na. Hindi naman ako nagbabastusan sa ibang mga tagagamit sa pamamagitan ng aking mga ambag, pero kung iyan ang senyales na nakukuha mo sa akin, sige, maniwala ka sa gusto mo. --Sky Harbor (usapan) 13:38, 12 Agosto 2008 (UTC)
- Ganyan talaga ako magpahayag, WALANG PLASTIKAN! Ngayon lumabas na ang totoong kulay mo. - Delfindakila 12:48, 12 Agosto 2008 (UTC)
- Excuse me, hindi ako tumutulong? Una, inoobserbahan dito ang patakarang walang personalan, kaya hanggang may matibay kang ebidensiya na hindi maganda ang aking pagsasalin at ang aking mga ambag ay kabaligtaran sa pagpapaunlad ng Wikipedia, patunayan mo. Ikalawa, ang ginagawa ko lang ay nagpapanatili ng konsistensi sa paggamit ng Filipino. Ano kaya ang mas madalas gamitin ng sambayanan: Mga Nagkakaisang Estado o Estados Unidos (tandaan na lalo na sa pangalan ng mga bansa, matinding 'di pinapayagan ang orihinal na pagsasaliksik at dapat ang karaniwang ginagamit ay ang ginagamit dito batay sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino hangga't may sanggunian ang salin sa Filipino ng pangalan ng tinuturing na bansa)? --Sky Harbor (usapan) 12:20, 11 Agosto 2008 (UTC)
- Ano pong patakaran iyon Sky? Hindi ba pinag-uusapan pa lang nating lahat iyon ngayon sa WP:KAPE? Sa sarili kong opinyon, wala namang siyang nilalabag na patakaran ng Wikipedya dahil hanggang ngayon wala pa rin tayong mabisang patakaran ukol doon. Maikukumpara ito sa paulit-ulit na mga mungkahi sa Ingles na gawing palabaybayang Briton o kaya Amerikano ang buong Ingles na Wikipedya, ngunit dahil ngayon ay wala pa ring nagaganap na sang-ayunan ukol doon bahala na ang manggagamit sa pipiliin niyang palabaybayan. Ganoon din po ang sitwasyon natin. Nais niya na gawing "Mga Nagkakaisang Kaharian", para sa akin, sige! Pinapabuti niya naman ang artikulo, at hindi naman nitong kinokompromiso ang pagiging Tagalog at ang kakompletohan ng artikulo. Sa kapayakan, hindi po ako tumututol sa kanyang mga pagsasalin, at sumusuporta pa nga ako.
- Tungkol naman po sa inyong bangayan, hindi ko po alam kung ano ang dahilan niyan (at sana may mabuti dahilan ka Delfin), pero ipinaaalala ko lang po na huwag maging mainitin ang ulo dahil maaaring ikasira/hatiin pa nito (ang bangayan niyo) ang Wikipedya. -- Felipe Aira 14:02, 12 Agosto 2008 (UTC)
- Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ito nagsimula. Pero kahit kung walang patakaran ang Tagalog Wikipedia mismo, kailangan pa nating sundin ang mga patakaran ng KWF ukol dito, at kasabay dito, ang Tagalog/Filipino na dapat gamit ng Wikipedia ay ayon sa karaniwang gamit ng sambayanan hangga't may sanggunian na sabing maaari itong gamitin (N.B. May tala ako ng iilang mga bansa na may salin sa Tagalog salamat sa isang diksyonaryo ni Jose Villa Panganiban; may iilan dito na nagbibigay ng katiyakan sa ilang mga salin dito at ilalagay ko ito dito sa susunod na araw). Lalo na, ang batayan ng mga patakaran ng Tagalog Wikipedia ay mula sa Wikipediang Ingles, at naging tradisyon na dito na ang lahat ng mga patakaran doon ay may balidad dito hanggang nagbigay tayo ng sarili nating patakaran. 'Di ba may patakaran na dapat 'di gamitin ang mga neolohismo? At besides, kahit kung sang-ayon ako sa tradisyon, may balididad naman talaga in good faith ang mga ambag ni Delfin. 'Di ba dapat mangahas lahat tayo sa pagbabago ng mga pahina? --Sky Harbor (usapan) 05:02, 13 Agosto 2008 (UTC)
(karapatang-ari) kailangang alisin ang 'olympic rings' sa mga templada
[baguhin ang wikitext]ngayon lang ako ulit nakabalik sa wikipedia, hehe, pasensya na, hindi ako nakapag-ambag sa artikulong ito, delfindakila, madugo nga pala yung noc list na hinihiling mo, pero pwede naman kaya lang mahigit 200 artikulo ang kailangang gawin para don pero titignan ko kung ano ang magagawa ko. nga pala, hindi po maaring gamitin ang olympic rings sa mga templada, dahil ito may karapatang-ari, na mahigpit na ipinagbabawal ng wikipedia: tignan ang policy sa paggamit ng imahe at karapatang-ari at basahin ang mga related topics. sa olympics articles sa Ingles na wikipedia ang mga templada nila ay hindi nagpapakita ng olympic rings. maraming salamat. Rebskii 03:20, 24 Pebrero 2009 (UTC)
hindi nyo ma-gets!
[baguhin ang wikitext]alam ninyo sa web na ito kung ano isnisearch ko ay di nila ma gets!