Pumunta sa nilalaman

Usapan:Pananapatan (Pasko)

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang paggamit ng pananapatan na hindi "karaniwan" para tukuyin ang caroling o pangangaroling(tagalog)ay lalabag sa http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Article_titles. Kung ipinagpipilitan mong dapat nasa kamalayan ng pilipino bakit gagamit ka ng titulong hindi karaniwang ginagamit para sa caroling.

mga sanggunian: http://www.google.ca/search?tbm=bks&tbo=1&q=pananapatan+joseph&btnG=

Panunuluyan, pananawagan, o pananapatan ang tawag sa isang pagsasadula ng paglalakbay nina Maria at Hosep, kung saan ang usapan ay kinakanta. http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Musika_ng_Pilipinas:_Impluwensiya_at_Kaugalian

Called pananawagan, panunuluyan, pananapatan, Solomon, or o kagharong in the various provinces of the Philippines, this remarkable Christian tradition is an elaborate re-enactment of the events surrounding Joseph and Mary’s journey from Nazareth to Bethlehem in search for lodging on the eve of the birth of Jesus. http://www.angelfire.com/on4/zambalesforum/panunuluyan.htm

Ang tanging ibinigay ng lumikha ng artikulo ay: iniba ang pamagat, upang maitangi na lalabag sa http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Ownership_of_articles

Pakitignan ang mga sangguniang ginamit ko naman, gaya ng video ng Tipong Pinoy (17:15) na pinrodus ng NCCA. Di isang sipian ginamit ko, ang aking ipinakita rito ay ang ko ay ang paggamit ng konseptong katutubo dahil may likas na katumbas ito kung nagkataong wala gagamitin ko ang caroling. Wala bang kredibilidad ang NCCA o National Commission for Culture and the Arts? Sa mga puntong ginagamit ko (1) Tumbasan ng likas sa katutubong konsepto ang banyagang konsepto (2) Kung wala, at manghihiram sa banyagang wika, kung Español ba o Ingles, timbangin kong alin sa dalawa, ang mas higit na ginagamit sa kasalukuyan. Kaya itinangi ko ang titulo, dahil may Pananapatan kasi na ginagamit sa ibang okasyon. --Scorpion prinz 12:23, 1 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Ang problema sa iyo ay guamgamit ka lang ng reperensiya gaya ng KWF o diksiyonaryo kung pabor sa opinyon mo. Kung iginigiit mo sa WP:Kapihan na dapat nasa kamalayan ang gamitin sa artikulo, bakit gagamit ka ng pananapatan na isang komisyon lang ang gumagamit nito. Tanungin mo ang mga bata sa kalye kung nanapatan ba sila o nangangaroling.Aghamsatagalog2011 02:16, 10 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Ako ba ang nagdikta sa KWF o NCCA na gamitin ang mga konseptong ito? Sadyang sila ang may awtoridad sa mga paksang ito, mahirap bang tanggapin iyon? Tinatala lamang nila ang ating wika at kultura. Isang importanteng pamantayan di ba ng Wikipedia ay ang paggamit ng MGA sipian, hindi ba? Sa paninigurong hanggat nararapat panatiliin sa Tagalog/Filipino ang WP Tagalog, dapat maging pangunahing konsiderasyon ang paggamit ng katutubong salita/konsepto kung may katapat ito, nagkataong ang "caroling" ay mayroon katumbas, kailan ko lamang din naman ito nalaman bunsod ng pananaliksik. Ang paggamit ng salita na higit na nasa ating kamalayan (Ingles ba o Español) ay gagamitin kapag ito'y walang katutubong katumbas na konseptong sa ating kamalayan (kasama ang kultura, kaugalian, kapaligiran, kalinangan, atbp.) at kailangang manghiram sa wikang dayuhan at kung manghihiram, isipin kung sa anong anyo ito mas laganap na ginagamit sa kasalukuyan, Ingles ba o Español. --Scorpion prinz 09:06, 10 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Dahil wala kang konsistensiya sa sarili mong opinyon kung iginigiit mo sa WP kapihan na dapat nasa kamalayan ang gamitin sa WP tagalog. Isa pa, mali na gamitin ang pananapatan dahil iba ang kahulugan ng pananapatan http://books.google.ca/books?id=ttnH5W9qoBAC&pg=PT35. Sa paggamit ng salitang hindi eksaktong kahulugan nito ay isang panlilinlang sa mga mambabasa dito.Aghamsatagalog2011 18:33, 10 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Tell that to the marines. Ipaalam mo sa may-akda ng MGA sipian ko na mali pagtukoy nila, ipaalam mo sa NCCA, Sentro ng Wikang Filipino. Nagawa mo na ba basahin o panoorin ang mga sipian ko? Mangyaring basahing buo ang komento ko, kasi panay pareho ang pagtuligsa mo dito, nasagot na naman ito. Salamat. --Scorpion prinz 00:44, 11 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Ang problema ay hindi lahat ng bumibisita sa WP tagalog ay puro kasapi ng NCCA kaya walang saysay na gamitin ang terminolohiyang hindi ginagamit ng karamihan. Gaya ng sabi ko ang pananapatan ay iba sa pangangaroling kaya paglilinlang sa mga estudyante kung hiningi sa mga ito ng kanilang mga guro ang kahulugan ng pananapatan(dulaan) tapos ang isasagot nila ay pangangaroling. Kung nagmamatigas ka pa, gagawa na lang ako ng bagong artikulong pangangaroling. Bahala na ang mga administrador na magpasya kung alin ang buburahin nila.Aghamsatagalog2011 04:05, 11 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Hindi natin puwedeng tuluyang talikuran ang mga katutubong salita at konsepto natin, ang pilit ko lang tinatanggihan ay ang paggamit ng mga kinathang salita. Uulitin ko muli, sakaling may kahinaan ang pag-unawa, ang mga salitang walang konsepto sa ating kamalayan ang siyang hihiramin lang natin. Kung gagawa ka ng artikulo na kahalintulad, gawain ba 'yan ng isang obhektibong manunulat? Narito ang WP Tagalog upang ituro ang mga katutubong konsepto na likas sa wika natin upang di makalimutan, kung hindi katutubo ang konsepto doon manghiram. --Scorpion prinz 04:54, 11 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Anong kinatha sa pangangaroling? Google result pananapatan 1,830 results vs. Google result pangangaroling, 15,000 results
Kahit pa sabihing inimbento ng NCCA ang pananapatan para sa pangangaroling, hindi maitatanggi na ang pananaptan ay hindi karaniwan para sa pangangaroling at ang pananapatan ay mas kilala para sa isang dulaan. Kaya dapat lang na ikarga ang pananpatan(pangangaroling) sa pangangaroling at ihiwalay ang pananapatan na dulaan. Aghamsatagalog2011 03:15, 12 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Sino nagsabing katha ang pangangaroling hindi ako, pero hango ito sa Ingles, kaya ako tumuon sa katutubong konsepto na mayroon naman. Panoorin ang video na ginamit na sipian. Saan sa mga pamantayan na dapat ginagamit ang Google sa pagpili ng akmang paksa? Magandang ang mga tagapangasiwa ang humusga alin sa dalawa nararapat manatili. Idirekta mo sila sa usapang ito. --Scorpion prinz 03:57, 12 Enero 2012 (UTC)[tugon]

Lahok ng UP Diksiyonaryo ng Wikang Pilipino
panánapatán png 1: kilos ng pagtapat sa isang bahay o mga bahay, gaya ng isinasagawâ sa harana, pamamalimos, o pangangaluluwa Cf KÁROLÍNG 2: pagdaraan sa isang tuwiran o pinakamaikling landas sa isang pook Cf SHORTCUT. 3: Tro pagsasadula ng paghahanap ng masisilungan nina Birheng Maria at San Jose at ginaganap sa lansangan bago sumapit ang Pasko, karaniwang nagtatapos sa oras ng misa para sa Pasko.
Mga daglat: Cf: confer, Tro:Teatro, png:pangngalan

Lahok ng New Vicassan's English Pilipino Dictionary
caroling; carolling: n. Masayáng pag-aawitan ng mga nanánapatan (sa gabí) kung panahón ng Pasko.
Mga daglat: n: noun

Lahok ng Gabby's Practical English-Filipino Dictionary
carol (ka' rol) n. — awiting Pamasko; uri ng sayaw; v. — magdiwang sa pag-awit; umawit nang buong lugod; manapatan, manapat sa (pagkanta); CAROLER n. — nanánapatan.
Mga daglat: n: noun, v: verb

Bahagi naman ng kultura natin ang caroling kaya may konsepto rin tayo nito, at mukhang hindi nag-iisa ang NCCA sa kaalaman kung ano ang pananapatan. --Scorpion prinz 03:57, 12 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Nagpakita ka ng diksiyonaryo na may maraming kahulugan ng pananapatan pero pinagpipilitan mong ang pananapatan ay dapat lang tukuyin para sa pangangaroling. Magpakita ka rin muna ng ebidensiya na mas pinapaboran ng mga nagtatagalog ang katutubong salita.Aghamsatagalog2011 07:17, 12 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Pasensiya na, dahil ito ay sunod sa pamantayang gamitin ang katutubong salita/konsepto kapag mayroon nito.--Scorpion prinz 07:38, 12 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Masipag kang magpaskil ng mga entrada sa diksiyonaryo pero hindi mo magawang magpaskil ng paghahaka mong: 1. ang katutubong tagalog ang pamantayan; 2. mas pinapaboran ng mga nagtatagalog ang katutubong tagalog; at 3. ang pagsasawika ay mali sa lahat ng wika. Ang pagpipilit mo ring ang "katutubo" ang pamantayan(maliban na lang kung pansariling pamanatayan ang tinutukoy mo) ay isang panliligaw at kamangmangan dahil ang opisyal na wika ngayon sa pilipinas ay hindi na tagalog o pilipino(na may p) kundi Filipino(na may F). Pinapakita lang na hindi na ito nakarestrikto lamang sa katutubong abakadang tagalog ngayon kundi sa modernong alpabetong Filipino na maaari nang gumamit ng f gayundin ng letrang kastilang Ñ na hindi makikita sa katutubong tagalog.Aghamsatagalog2011 19:54, 12 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Wala namang haka-haka sa diksiyonaryo, kung blind-item sa showbiz maaari pa.--Scorpion prinz 22:21, 12 Enero 2012 (UTC)[tugon]

Gabay sa Ortograpiyang Filipino

[baguhin ang wikitext]

Baka makatulong ito sa mga paghahaka-hakang pilit ibinabato. KWF ang naglathala nito, hindi dayuhang institusyon. Kung ang dayuhang institusyon ang higit na may kredibilidad sa iyong pananaw, walang saysay ito. --Scorpion prinz 22:24, 12 Enero 2012 (UTC)[tugon]

Kung konsistente ang dokumentong ito, bakit ang ginamit ay ispeling kung ang katutubong salita para sa spelling ay pagbabaybay? Alin sa dalawang salitang ito ang sa tingin mo mas tamang gamitin sa WP tagalog?Aghamsatagalog2011 15:17, 13 Enero 2012 (UTC)[tugon]
Para sa iyong kaaalaman buod na lang ito, may 67 na pahina ang lathalaing ito na mas malimit ang gamit ng pagbaybay kaysa sa ispeling. Hindi rin lamang ito ang dapa t magiging batayan ng WP Tagalog, inaayon natin sa pagiging tapat sa wika hangga't maaari kung may katutubong katumbas ang konsepto o salita. --Scorpion prinz 23:06, 13 Enero 2012 (UTC)[tugon]