Pumunta sa nilalaman

Usapan:Pinlándiya

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang direksyon (sa aking pagkakaalam) ay dapat laging malaki ang unang letra. Hindi lamang ako 100% sigurado tungkol dito. Pero sa pagkakaalam ko, ang mga direksyon ay mga tiyak na pangngalan (o proper noun, tama ba?).

Sana'y may makapag-linaw nito.

Salamat. :)

Sa pangkahalatan, maliit na titik ang mga direksyon. Halimbawa: Ang mga bulaklak ay nasa timog ng bahay. Ang salitang "timog" ay ginagamit upang ipaalam ang kinaroroonan ng isang bagay o ng isang lugar. Nagiging malaking titik lang ang mga ito kapag bahagi ng isang proper noun (pangalang pantangi). Halimbawa: Ang ate ko ay nagpunta sa Timog Korea upang magtrabaho. Ang salitang "Timog" ay bahagi ng "Timog Korea", isang proper noun na tumutukoy sa isang partikular na bansa ("South Korea"). Kapansin-pansin ba ang pagkakaiba?
(Ang tiyak na pangngalan ay tinatawag ding concrete noun na kaiba sa abstract noun.)
-- Bluemask 14:29, 22 Mar 2005 (UTC)

Ah. Ganoon ba? Nagtanong kasi ako sa ilang kakilala ko at ang mga sagot nila ay dapat sa malaking letra nag-uumpisa ang direksyon. Madalas din kasing ganito ang nakikita ko sa wikang Ingles.

Salamat sa paglilinaw.

--Aldous 01:02, 23 Mar 2005 (UTC)

Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Pinlándiya"

Magsimula ng isang usapan