Procter & Gamble

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Usapan:Procter & Gamble)
Jump to navigation Jump to search

Ang Procter & Gamble Co. (P&G) ay isang multinasyunal na korporasyonng mga produktong mamimili na mula sa Estados Unidos na may punong himpilan sa bayanan ng Cincinnati, Ohio at itinatag noong 1837 nina William Procter, isang Briton-Amerikano, at James Gamble, isang Irlandes-Amerikano.[1] Nagdadalubhasa ang kompanyang ito sa maraming uri ng panlinis, pansariling pag-aalaga at produktong may kinalaman sa pangangalaga ng kalusugan. Bago ang pagbenta ng Pringles sa Kellogg Company, kasama mga linya ng produkto nito ang mga pagkain at inumin.[2]

Noong 2014, nagtala ang P&G ng $83.1 bilyon (mahigit PHP4 trilyon) na benta. Noong Agosto 1, 2014, pinabatid ng P&G na gagawin nilang epektibo at episyente ang kompanya sa pamamagitan ng pagtanggal at pagbenta sa ibang kompanya ng tinatayang 100 mga tatak mula sa linya ng mga produkto nito upang mapunta ang tuon nila sa natitirang 65 mga tatak,[3] na naglilikha ng 95% ng kita ng kompanya.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "history_of_innovation". us.pg.com (sa Ingles). Hinango noong Pebrero 15, 2016.
  2. "Procter & Gamble board meets amid CEO reports". Boston Herald. Associated Press. Hunyo 9, 2009. Hinango noong Mayo 5, 2012.
  3. Coolidge, Alexander (Hulyo 10, 2015). "P&G brand sales, restructuring will cut jobs up to 19%". Cincinnati Enquirer. Hinango noong Marso 3, 2016.