Pumunta sa nilalaman

Usapan:Toy Kingdom

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

1. Pag lalagay ng larawan

Patulong naman kung paano makukuha ang Logo ng Toy Kingdom sa English Wikipedia at mailagay sa artikulo sa Tagalog Wikepedia

2. Pagsasalin

Pakitama ang mga saling ginawa kung ito ay mali:
Version - salin
Flagship Store - Pangunahing Tindahan
Gadgets - (di ko maisalin sa Tagalog)

3. Sa Mga Parte ng Tindahan

Kinakailangan pa bang isalin ang mga English na wika?

Salamat sa mga tutugon.

--Memosync (makipag-usap) 16:14, 12 Hunyo 2013 (UTC)[sumagot]

Mga sagot sa tanong mo:
  1. Maaari mong i-download ang logo at ikarga rito sa Wikipediang Tagalog sa pamamagitan ng Natatangi:Magkarga (Special:Upload). Tandaan na kailangang gamitin ang padron (template) sa karapatang-ari (copyright) na angkop para sa larawang iyon.
  2. Depende ito sa konteksto. Ang version ay "bersiyon" sa Tagalog, maaaring isalin ang flagship store bilang "pangunahing tindahan", at ang gadgets sa Tagalog ay "kagamitan", "kagamitang elektroniko" o "gadyet".
  3. Dahil ito po ang Wikipediang Tagalog, inaanyayahan po ang lahat na isalin nang buo ang mga salita. Hindi ninanais ng pamayanan ang paggamit ng Taglish maliban na sa ilang piling konteksto (o kung talagang walang salin ang isang salita sa Tagalog, dahil walang nakatala sa diksiyonaryo). Paglilinaw lamang dito: kapag ito ang pangalan ng seksiyon mismo (ibig sabihin, pangngalang pantangi ito), maaaring panatilihin ito sa Ingles.
Sana naging matulungin sa inyo ang mga sagot na ito. --Sky Harbor (usapan) 16:19, 12 Hunyo 2013 (UTC)[sumagot]

Maraming salamat sa mabilis mong pag tugon, muli ko na lang ibabalik ang aking tinanggal, pansamantala ako ay manananghalian muna, :) --Memosync (makipag-usap) 16:44, 12 Hunyo 2013 (UTC)[sumagot]