Usapang Wikipedia:Mga kumbensiyon sa pagsusulat ng mga artikulo
Ito ang Wikipedia:Mga_kumbensiyon_sa_pagsusulat_ng_mga_artikulo, magtanong o magbigay ng opinyon o kumento ukol dito. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Suhesyon para sa pamantayan ng pagsalin mula sa Ingles
[baguhin ang wikitext]Naalala ko noong nasa elementarya ako na itinuro sa amin ang sumusunod na gabay para sa pagsalin mula sa wikang Ingles hanggang sa wikang Tagalog:
- Kung mahahanapan ng karampatang salitang Tagalog ang salitang Ingles, isalin.
- Kung walang mahahanapang karampatang salitang Tagalog, hanapin ang salin ng salita sa Kastila saka ibaybay sa Tagalog.
- Kung walang mahahanapang karampatang salin sa Kastila, baybayin ang buong salita sa alpabetong Tagalog. Starczamora 15:01, 9 Nobyembre 2007 (UTC)
- Sang-ayon -- Felipe Aira 06:20, 25 Enero 2008 (UTC)
Suhesyon para sa paggamit ng aktibong pangungusap
[baguhin ang wikitext]Kung mamarapatin sanang iwasan ang paggamit ng "ay" sa mga pangungusap. Katumbas nito ang "passive sentence" o paggamit ng "by" sa wikang Ingles. Gamitin sana natin ang aktibong pangungusap kung saan ang pandiwa ang karaniwang nasa unahan ng pangungusap, gaya ng ginagawa sa mga balita. Ganito rin ang istruktura ng pangungusap na itinuturo sa mga banyaga at mga Pilipino sa ibang bansa na nag-aaral ng Tagalog. Starczamora 15:01, 9 Nobyembre 2007 (UTC)
- Kaya nga. -- Felipe Aira 06:20, 25 Enero 2008 (UTC)
- Wala akong nakikitang panganib sa pag-unlad ang patuloy na paggamit ng kabalikang anyo ng pangungusap. Hindi ko alam kung anong reperensya mayroon ang unang umakda ng kumbensyon na ito upang sabihin na "mas mabuting salin" ang tuwirang anyo. Mas mabuting bigyan ng tuon ang gustong tukuyin ng pangungusap. Hindi rin masasabing "active o passive voice" ang mga ito, dahil ang paggamit ng katagang "ay" ay hindi nagbibigay tuon sa kung sino ang magsasagawa, nagsasagawa, o nagsagawa ng kilos (sa lahat ng pagkakataon). 69.119.102.153 20:55, 29 Abril 2008 (UTC)