Pumunta sa nilalaman

Usapang Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Puwede bang gamitin na lamang natin ang mga larawan sa en:Wikipedia:Picture of the day para sa Unang Pahina. Kung mayroon na lang ninais na ma-feature, saka na lamang tayong mag-nomina. -Jojit (usapan) 09:31, 1 Disyembre 2007 (UTC)[tugon]

Siguro nga para araw-araw tayong nagpapalit. -- Felipe Aira 10:08, 1 Disyembre 2007 (UTC)[tugon]
Maari rin namang gamitin natin ang nasa commons:Picture of the day para hindi na natin kailangan na ikarga. --bluemask 10:28, 1 Disyembre 2007 (UTC)[tugon]
Iniisip ko nga iyan. Mas maganda siguro yung galing sa commons para talagang maganda. Kinikilatis talaga ng mga litratista (pero ganun din sa Ingles na Wikipedia di ba?). Commons ang boto ko... Pero pakigawa yung kawing na binanggit ko't hinihiling sa Kapihan para mailagay ng mangagamit sa pahina nila/natin. Pero bilib pa rin ako dun sa awtomatikong kasangkapan na inilagay ni Felipe kahit nagkasuliranin ng isang beses. Natututo kasi tayo at nagkakaroon ng mga bagong ideya. At lahat napansin ko nagharapharap (tayo) sa isang pahinang tulad nito. Salamat. May krema ba kayo para sa kape? - AnakngAraw 14:56, 24 Marso 2008 (UTC)[tugon]

  • Mga hiling sa mga suleras ng NL, paki-lagyan po ng taong kumuha at iklian ng kaunti ang teksto sa isa hanggang tatlong pangungusap lamang dahil hindi naman ito NA. Salamat. --Jojit (usapan) 05:53, 24 Marso 2008 (UTC)[tugon]
  • Hindi ba pwede na ibang artikulo (sa susunod na pagpilian) ang i-debelop natin at ilagay sa Napiling Larawan at hindi tungkol sa mga artista? (Kaya sang-ayon ako sa alkolohismo). Estudyante 07:07, 24 Marso 2008 (UTC)[tugon]
    • Oo nga napapansin ko rin puro makaartista ang Wikipedyang Tagalog. Thalia, MariMar, Mau Marcelo. Pero sa akin ok lang iyon. Huwag naman sana tayong magalit na gumagawa sila ng magagandang artikulo. -- Felipe Aira 07:47, 24 Marso 2008 (UTC)[tugon]
    • Nagkataon lamang siguro na nagkasunud-sunod ang pagkakapili sa mga ito. Pero idinedebelop pa din naman ang mga artikulong hindi nauukol sa mga artista. Celester MejiatalkPAGE 17:57, 24 marso 2008 (UTC)
  • Sa tingin ko, dapat ay hindi inilagay ang napiling larawan kasama ang napiling artikulo na mayroong iisang aritkulong nilalaman. Nagiging walang kwenta kung pareho lang ang kaalamang ibinibigay nito sa atin. Maari sana kung magkahiwalay ang pagkakapili dito. Ang aking tinutukoy ay ang pagkakapili ng larawan ni Thalia at ang aritkulo niya. Sana ay inilagay sila sa magkaibang panahon. Pero hindi naman ako humahadlang sa kanilang pagkakapili. Salamat. Celester MejiatalkPAGE 17:57, 24 marso 2008 (UTC)
    • Dapat nga sana, nung magkasuliraning di lumilitaw yung larawan ni Thalia (may kawing na pula), binayaan na muna sana yung pansamantala kong ipinalit yung tungkol sa dasal. Kaso, sumaya rin kasi tayo nang maayos ni Felipe Aira yung kawing na nagkaproblema, kaya dalawang Thalia (artikulo at napiling larawan) na yung lumitaw. Sikapin na lang sa susunod na huwag mangyari iyon... Kaya? Nakakuha naman ba ng atensyon, ano ang estadistika ng mga bumabasa noong panahong iyon. May impormasyon ba kayo. - AnakngAraw 14:42, 24 Marso 2008 (UTC)[tugon]