Pumunta sa nilalaman

Usapang Wikipedia:Paggawa at Pagsasaayos ng mga Artikulo

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Magandang gabi po! matanong ko lang po kung papaano natin malalaman na tapos na ang artikulo o kaya nama'y maaari nang ipasok sa unang pahina...baka masmainam po kung may "checklist" tayo sa bawat artikulo(sa pahinang usapan ng artikulo?) upang malaman ang mga dapat pang baguhin o idagdag sa artikulo. pasensya na po. Salamat! Squalluto 10:46, 25 Hulyo 2007 (UTC)[sumagot]

Magbobotohan pa sa tatlong artikulo kung ano ang mapapasok sa Unang Pahina. Aasikasuhin ko pa ang checklist. - Emir214 12:07, 25 Hulyo 2007 (UTC)[sumagot]

naku, miyembro pala ako nito, nakalimutan ko na, ano na nangyari dito? may naayos na bang artikulo? susubukan kong rebyuhin ang tatlong artikulo dito at titignan ko kung may mai-aambag ako. --RebSkii 08:40, 29 Oktubre 2007 (UTC)[sumagot]

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang libreng ensiklopedya.

Ang kartun ay isang porma ng dalawang-dimensiyong isinalarawang pinagmamasdang sining. Sa paglipas ng panahon ay nabago ang tiyak na kahulugan nito, ito na ngayon ay tumutukoy sa karaniwang di-makatotohanan o medyo makatotohanang larawan o painting na inilaan para sa uyam, karikatura, o sa katatawanan, o sa artistikong estilo ng paggawa. Aang taong gumagawa ng kartun ay tinatawag na karikaturista.

Ang terminolohiyang ito ay nagmula noong Middle Ages at unang ginamit sa paghahanda sa pagguhit ng isang uri ng sining tulad ng pagpipinta, pagpipinta sa pader, tapiserya, o pagpipinta sa salamin. Noong ika-labing siyam na siglo, ipinantawag ito sa mga katatawanang seksiyon ng mga magasin at ng mga diyaryo, at sa simula ng ika-dalawampung siglo hanggang sa kasalukuyan ay naging katawagan ito sa mga komiks at sa mga animeyted na pelikula at sa ibang mga programa sa telibisiyon.

Pangunahing artikulo: Modello

Ang kartun (mula sa Italiyanong “cartone” at Olandes na salitang “karton”, nangangahulugang matibay, mabigat na papel o karton) ay isang buong larawang gawa sa matibay na papel bilang pag-aaral o modello para sa isang painting, makulay na salamin o tapiserya. Ang mga kartun ay karaniwang ginagamit sa produksiyon ng mga frescoes, upang mailink ng mahusay ang mga bahagi ng kayarian nito kapag ipininta sa mamasa-masang plaster sa loob ng ilang araw (giornate).

Ang mga ganitong kartun ay karaniwang may pinpricks sa balangkas ng disenyo; isang bag ng uling ang ikakalat sa kartun na nakalapat sa dingding upang magkaroon ng itim na tuldok sa plaster. Mamahalin ang mga kartun na gawa ng mga pintor, tulad ng gawa nina Raphael Cartoons sa London at ilang mga gawa ni Leonardo da Vinci. Ang mga kartung tapiserya na karaniwang makulay ay may sinusundang balangkas na hinahabi.

Sa modernong paglilimbag, ang kartun ay isang uri ng sining na karaniwang katatawanan. Ginamit itong pantawag sa mga mapanuring larawan sa mga pahina ng magasin na Punch, lalo na sa mga iginuhit ni John Leech, noong 1843. Ilan sa mga ito ay ginamit sa paghahanda ng guhit-larawan para sa makasaysayang frescoes sa bagong Palasyo ng Westminster. Ang orihinal na pamagat ng guhit-larawan ay ‘Mr Punch’s face is the letter Q’ at ang bagong tawag na ‘kartun’, na sinadyang maging tumbalik, ay tumutukoy sa mga sakim na pulitiko ng Westminster.

Ang mga modernong isang-seksiyong busalang karikatura na matatagpuan sa mga magasin ay mga larawang may paliwanag o desckripsiyon sa ilalim o (kung minsan) sa mga ‘callouts’. Ilan sa mga isang-seksiyong busalang kartun na gawa nina Mel Calman, Bill Hlman, Gary Larson, George Lichty, Fred Neher at iba pang karikaturista ay ipinamahagi sa pamamagitan ng diyaryo. At ang itinuring na ama ng modernong busalang karikatura ay si Peter Arno, isang karikaturista ng New Yorker. Nakahanay rin sa busalang karikatura ang mga pangalan nina Charles Addams, Charles Barsotti at Chon Day.

Nagsimula sina Bill Hoest, Jerry Marcus at Virgil Partch bilang mga busalang karikaturista ng mga magasin at nang malaon ay gumawa na rin sila ng mga komiks. Si Richard Thompson ang pinaka naging kapansin-pansin sa larangan ng karikatura sa pahayagan na siyang nagsalarawan ng karamihan sa tampok na artikulo ng The Washington Post bago niya ginawa ang komiks na Cul de Sac. Sa seksiyon naman ng palakasan na karaniwang ginagamitan ng mga karikatura ay inilalagay din ang ‘All in Sport’ ni Chester “Chet” Brown.

Kadalasang matatagpuan ang mga editoryalo kartun sa mga pahayagan ng mga balita at sa mga website ng balita. Ginagamitan ito ng pekeng katatawanan o patumbalik na larawan ngunit ang nais ipahayag nito ay mga seryosong isyu. Gumaganap itong metapora upang maisalarawan ang punto ng pananaw sa mga kasalukuyang paksang panlipunan o pampulitika. Karaniwan itong may ‘speech baloons’ at kung minsan ay may maramihang seksiyon. Kabilang sa mga karikaturista ng editoryal ay sina Herblock, David Low, Jeff MacNelly, Mike Peters at Gerald Scarfe.

Matatagpuan ang mga komiks ng United Kingdom sa kanilang pang-araw-araw na pahayagan sa buong mundo at kadalasang maiikling serye ng mga isinalarawang karikatura. Sa United States ay kilala ang mga karikatura bilang komiks o ‘funnies’. Gayunman, ang mga lumilikha ng komiks ay tinatawag na karikaturista. Katatawanan man ang pinaka tema, may pakikipagsapalaran at drama na kumakatawan sa ilang mga daluyan ng serye. Ilan sa mga popular na karikaturista ng katatawanan ay sina Scott Adams, Steve Bell, Charles Schulz, E. C. Segar, Mort Walker at Bill Watterson.

Ang mga aklat ng karikatura ay karaniwang mga panibagong limbag na nagmula sa mga komiks sa pahayagan. Sa ilang mga okasyon, mga bagong busalan ng kartun ay espesyal na ginagawa para sa paglilimbag ng mga aklat, gaya ng Think Small, isang pang-promo na aklat noong 1967 na ipinamimigay ng libre ng mga dealer ng Volkswagen. Si Bill Hoest at ilan pang karikaturista nang panahong iyon ang gumuhit sa mga karikatura ng nagpapakilala ng produktong Volkswagen, at ang mga ito ay ipinamahagi kasama ng mga katatawanang sanaysay nina H. Allen Smith, Roger Price at Jean Shepherd. Idenisenyo ang aklat na ang mga karikatura ay katabi ng larawan ng kanilang mga tagalikha.

Pangunahing artikulo: Animeyted Kartun

Dahil sa mga pagkakapareho ng ilang mga estilo ng komiks at animeyted na pelikula, naging pantukoy ang kartun sa animasyon, at ang salitang kartun ay kasalukuyang ginagamit na pantukoy sa animeyted na kartun at sa mga busalang kartun. Habang ang animasyon ay tumutukoy sa alin mang istilo ng mga larawang ipinakikita ng mabilisan upang magbigay impresiyon ng pagkilos, ang kartun naman ay karaniwang ginagamit na pantawag sa mga palabas sa telebisiyon at ilang mga maiikling pelikulang pambata na nagtatampok nang mga isinalarawang hayop, bayani, mga pakikipagsapalaran ng mga batang bida at iba pang mga katulad na kategorya.

Sa pagtatapos ng dekada 80, ang salitang kartun ay pinaikli, ‘toon’ na ang ginamit na pantukoy sa mga animeyted na pagkilos tampok ang Who Framed Roger Rabbit (1988), at sinundan ito ng seryeng Tiny Toon Adventures na pinalabas sa telebisyon makalipas ang dalawang taon.