Usapang Wikipedia:Patungkol

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Block user[baguhin ang batayan]

ang artikulong ito ay na-vandalize nang ilang beses na. pwede bang i-block ang mga anonymous ip address users? --16:40, 2 Abril 2007 (UTC)

restricted na. --bluemask 17:59, 2 Abril 2007 (UTC)

Isang mungkahing nasasaad sa anyong katanungan, ang iyong ipinahayag ay tuwirang paglalarawan lamang ng pangunahing kaisipan na siyang tinutunton ng pahina ng aking panulat. Hindi ko na marahil kailangan pang maglahad ng maraming halimbawa upang isulong ang kaisipang nalalagay sa kasalukuyan ang internet society sa kabuuhan at hindi lamang ang komunidad ng Wikipedia sa malaking hamon ng pagtatalaga ng iisang pangkalahatang kodipikasyon ng batayang pang-alituntunin na siyang lilinang at magsasatalaga ng moralidad -- kung ano wasto at ang mga batayan nito -- sa cyber space.

Una na nga dito ay ang tinatangka ko pagbuo ng batayang gabay ay panuto sa kung kailan ang pagsasalin ng mga banyagang wika sa wikang Filipino ay maiaantas bilang katanggap-tanggap at kung kailan ang mga kasalinan ay kikilalaning wasto. Dapat nga bang isalin pa.

Halimbawa ay ang terminong PASSWORD. Huwag sanang tingnan bilang argumento bagkus as tapat (honest) na katanungan ang nais kong iparating dito. Sa palagay ba ng community, ang kasalinang HUDYAT ay nasa wastong anyo ng kasalinan? HUDYAT?

At unahin natin ang una. Paano nga ba natin sasabihin sa Pilipino ang salitang INTERNET? Kung wala pang umiiral na batayan kung paanong isasalin ang terminong iyon, nasa ganoong kalagayan din ang kabuuhan ng internet. Walang iisang pangkalahatang batas na sumasaklaw.

Ang malakas hanggat may kakahayan at kapangyarihan ay iduduldol gaano man kabalbal ang kung anong nais iduldol.

DALAWANG PUNTO SA PAGKAKATAONG ITO: UNA: Ang mungkahi ng pahinang ito bilang kasalinang Filipino ng INTERNET ay SANGALAMBAT. IKALAWA: Ipinararating nang pauna na ang mga pagtutuunang mga susunod na pahina ay sasaklaw sa paglilinang at pagsusulong ng kung paano maaring marating ng SANGANGLAMBAT ay isang SENTRONG KAPAMAHALAAN sa pamamagitan ng imumungkahin kasulatan, kodipikasyon at pagtitibay ng isang SALIGANG BATAS kung saan lahat ng alituntunin ay ibabatay.

Magandang araw sa iyo at samahan mo ako sa pagtugaygay natin sa mga pahinang maghahatid sa atin sa pangarap na SANGALAMBAT na pinaghaharian ng BATAS AT KATUWIRAN.


Angmayakda 00:36, 16 Enero 2012 (UTC)

Bubble Tea[baguhin ang batayan]

Bubble Tea

Guhit na inurong

Bubble tea o “tsaang may bula-bula” ang tawag kalimitan sa pearl milk tea at iba pang kaparehang uri ng mga tsaa at inuming mula sa prutas. Ang kauna-unahang bubble tea ay nagmula pa sa Taichung, Taiwan noong mga 1980s. Ang sangkap nito ay maaring magkaiba-iba ngunit, ang tanging hindi nagbabago ay ang paghahalo dito ng tsaa na sinamahan ng sirup ng prutas at/o ng gatas. Mayroon din itong bersyon na hinaluan ng yelo, tulad ng slushies, at may iba’t ibang uri din ng pampalasa mula sa prutas. Marahil ang pinakasikat na uri ng bubble tea ay ang pearl milk tea o “tsaang sinalinan ng gatas at perlas”. Kung sa America, paminsa’y tawag din dito ay boba milk tea. Naglalaman ito ng maliliit na bilog na bolang gawa sa tapioca starch. Ang mga perlas na ito, o pearls sa Tsina, ay masarap nguya-nguyain kasabay ng pag-inom ng tsaa. Ang tapioca pearls ay matatagpuan din sa maraming lugar.

Guhit na inurong

Ang bubble tea ay nagsimulang sumikat at nakilala sa buong mundo mula sa Taiwan patungo sa ibang bansa na matatagpuan sa silangang bahagi ng Asya. Matapos ay unti-unti itong kumalat sa Australia, Canada, Estados Unidos at sa American West Coast. Dagdag pa dito, ito rin ay matatagpuan sa UK at ilang mga lugar sa Europe.

Guhit na inurong

Maraming uri ang inuming ito, depende sa klase ng tsaa at sa mga sangkap nito. Ang popular ng mg uri nito ay green tea with pearls, pearl milk tea, pearl green milk tea, pearl black tea at pearl green tea.


Deskripsyon

Guhit na inurong

Sa katunayan, nahahati lang sa dalawa talaga ang bubble tea: ang fruit-flavored teas at milk teas. Subalit may ilang mga tindahan na nagsimulang gumawa ng ”hybrid” na fruit milk tea. Ang kalimitang timpla ng milk tea ay nilalagyan ng powdered dairy o non-dairy creamers pero ang iba naman ay naglalagay ng gatas. Ang ibang uri naman ng milk tea ay 100% crushed fruit smoothies with pearls na paminsan ay dinadagdagan pa ng sorbetes. Maging sa America ay may nagtitinda din ng milk smoothies na halos katulad ng bubble tea ngunit walang halong tsaa. Ang iba naman ay nag-aalok ng dagdag patamis dito tulad ng honey, agave, stevia at aspartame.

Guhit na inurong

Ang pinakaunang bubble tea ay pinaghalong itim na tsaa mula sa Taiwan, maliliit na tapioca pearls, condensed milk at syrup o honey.Kalaunan, maraming uri ang nagsilabasan ngunit nangibabaw ang malamig na bubble tea kaysa mainit. Una ang bubble green tea na ginamitan ng jasmine-infused green tea imbis na black tea. Malaki-laking tapioca pearls ay sinimulang ginamit pagtagal. Tapos nagkaroon ng peach or plum flavoring, at doon nagsimulang naglipana ang iba’t ibang fruit flavors. Paminsan pa nga ay tinatanggal nang tuluyan ang tsaa sa timpla at pinapalitan ng purong pampalasa ng prutas. Itong purong prutas na timpla ay nilalagyan din ng makukulay na pearls o jelly cubes tulad ng sa taho, kulay ay depende sa uri ng prutas. Maari ding dagdagan pa ito ng pampalasa gamit ng powder, fruit juice, pulp o syrup na ihinahalo sa mainit na berde o itim na tsaa at hinahalo sa isang cocktail shaker o kasama ng yelo sa blender. Sa huli, nilalagyan ito ng nilutong tapioca pearls at iba pang ¬mix-ins.

Guhit na inurong

Sa kasulukuyan, nagkalatat ang mga nagtitinda ng bubble tea mapasaan tulad ng juice bars noong 1990s. May mga tindahan na gumagamit ng plastic dome-shaped lids at ang iba naman ay gumagamit naman ng plastic cellophane pantakip ng ibabaw upang ito ay maaring kalugin muli at maiwasan na ito ay tumulo hanggang sa ito ay iinumin na. Ang plastic cellophane ay maaring butasin ng malaking straw kapag ito ay iinumin na maaring daluyan ng pearls.


Mga Uri

Guhit na inurong

Ang bawat sangkap ng bubble tea ay nagkaka-iba-iba rin dependa sa tindahan. Kadalasan, iba-ibang uri ng black tea, green tea at maging kape ang nasa kaibuturan nito. Ang pangkaraniwang uri ng black tea ay ang oolong at earl grey habang ang jasmine green tea pa din ang nanatili sa karamihan ng tindahan. May isa pang uri na tinatawag na yuanyang na nagmula sa Hong Kong at binubuo ng kalahating black tea at kalahating kape. Mayroon din namang decaffeinated bersyon ito kapag ito ay ginamitan lamang ng purong tsaa.

Guhit na inurong

Ang gatas sa bubble tea ay opsyonal bagamat halos lahat ng nagtitinda nito ay gumagamit nito. Ang iba naman ay gumagamit ng non-dairy creamer milk substitute panghalili sa gatas dahil maraming Asyano sa silangan ay lactose intolerant at dahil na rin ito ay mas mura, mas matagal masira at mas madaling gamitin. Sa kanlurang bahagi naman ng mundo, ang inaalok ay soy milk para sa mga umiiwas sa dairy products. Ito ay nagdadagdag ng naiibang lasa at halo sa inumin.

Guhit na inurong

Maraming pampalasa ang maaring ilagay sa bubble tea. Ilan sa mga fruit flavors nito ay strawberry, green apple, passion fruit, mango, lemon, watermelon, grape, lychee, peach, pineapple, cantaloupe, honeydew, banana, avocado, coconut, kiwi at jackfruit. Bukod pa rito mayroong ding non-fruit flavors tulad ng taro, pudding, chocolate, coffee, mocha, barley, sesame, almond, ginger, lavender, rose, caramel at violet. Meron din namang maaasim na fruit flavors na inaalok sa bubble tea bagamat waang gatas.

Guhit na inurong

Ang iba pang uri ng bubble tea ay maaring maging blended drinks. Karamihan sa mga tindahan nito sa U.S. ay naglalagay ng listahan kung saan pwede mamili, kung coffee-blended o smoothie.

Guhit na inurong

Tapioca balls pa din ang nanatiling pinakamadalas na isalin sa bubble tea, ngunit marami pang ibang pwedeng ilagay. Ang green pearls ay may katiting na lasa ng green tea at ito ay mas masarap nguyain kaysa sa nakasanayan na tapioca balls.Ang jelly din ay ginagamit na may iba’t ibang hugis at lasa tulad ng coconut jelly, konjac, lychee, grass, mango at green tea. Rainbow, halo ng konjac, ay malambot na halos malutung-lutong. Adzuki bean o mung bean paste, ay karaniwan ding sahog sa ibabaw ng Taiwanese shaved ice desserts na nagbibigay ng kaunting lasa. Aloe, egg pudding, sago at taro balls ay maari ding matagpuan sa mga tindahan nito, pangumpleto ng bubble tea.

Guhit na inurong

Bunsod ng kanyang popularidad, mayroon na ding isang timplahan na pakete ng black tea na may halo nang gatas at asukal na binebenta bilang Instant Boba Milk Tea sa ilang mga lugar.

Guhit na inurong

Samantala, mayroon din namang tindahan na nagtitnda na walang halong kape ni tsaa. Ang pangunahing sangkap lamang ay yelo at pampalasa na tinatawag na Snow Bubble. Lahat ng mix-in na inilalagay sa bubble tea ay maari ding gamitin sa mga ¬slushie-like drinks. Isang disabantahe lamang ng ganitong klase ng inumin ay tumitigas sa lamig ang tapioca balls kaya’t nagiging mahirap itong sipsipin at nguyain. Sa gayong dahilan, dapat mainom agad-agaran ang slushies upang hindi tumigas masyado ang mga tapioca balls hindi tulad sa bubble tea.

Guhit na inurong

Madalas ding gamitin ang nata de coco sa maramihang paggawa ng bubble tea bilang panghalili sa tapioca starch sapagkat higit itong mas masustansya. Ang nata de coco ay sinasabing mataas sa dietary fiber at mababa naman sa cholesterol at fat. Ito ay karaniwang hinahati-hati sa maninipis na hibla upang madaling itong lumusot sa istraw.


Kasaysayan

Guhit na inurong

Dalawang tindahan ang umaangkin sa pagkakagawa ng unang bubble tea. Isa ay ang Chun Shui Tang teahouse sa Taichung, Taiwan kung saan nag-ekspiremento si Liu Han Chie gumawa ng malamig na milk tea sa pamamagitan ng pagsalin ng fruit, syrup, candied yams at tapioca balls noong 1980s. Bagamat hindi sumikat noong una, mayroong Hapong palabas sa telebisyon na lumikha ng intres tungo dito sa mga negosyante. Hanggang sa ito ay nakilala sa Kanluran at Timog-Silangang Asya noong 1990s. Subalit, wala tiyak na nakakaalam kung saang saktong teahouse talaga ito nagmula, naniwala ang marami na doon sa Taichung, Taiwan ito nagmula, ang pinaksentrong siyudad ng Taiwan.

Guhit na inurong

Sa kabilang banda, ang Hanlin Teahouse sa Tainan, Taiwan, na nasa pagmamay-ari ni Tu Tsong He Hanlin, ay umaangkin din sa pagkakagawa ng kauna-unahang bubble tea. Siya daw ay gumawa ng tsaa gamit ng tradisyunal na putting fenyuan, o tapioca, na may itsurang pearls kaya’t ito ay tinawag na pearl tea. Makalipas ang ilang taon, pinalitan ni Hanlin ang puting fenyuan at ito ay naging itim tulad ng kung ano ang karaniwang nakikita ngayon.