Pumunta sa nilalaman

Usapang kategorya:Mga palasiya sa lohika

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

iwasan ang mga salitang syokoy: "lohikal".

https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kategorya:Mga_palasiyang_lohikal&action=edit&redlink=1


Mismong mga paaralan at pamahalaan ay gumagamit ng salitang "lohikal"

Iba pa:

Atn20112222 (makipag-usap) 21:59, 9 Oktubre 2013 (UTC)[tugon]

Hangga't maari, iwasan ang mga salitang alanganin na kagaya nito: Ingles logical /lo-ji-kal/, Espanyol logico /lo-hi-ko/.[1] Tagalog din naman at tama sa balarila ang ipinalit ko kaya hindi dapat mamasamahin. --bluemask (makipag-usap) 04:02, 10 Oktubre 2013 (UTC)[tugon]
Idiniin ko na rin noon na hindi laging tama ang lipunan, lalo na sa paggamit ng wika. Kasalukuyang ninanais ng KWF, sa aking pagkakaalam, na iwasan ang paggamit ng mga salitang siyokoy. --Sky Harbor (usapan) 04:27, 10 Oktubre 2013 (UTC)[tugon]
Hindi tinatanggap sa Wikipedia ang mga sariling opinyon lalo na kung hindi ka naman mismong linggwista, akademiko o eksperto sa paksang tinatalakay[2][3]. Kailangan mong magpakita ng mga Reliable Source o Sangguniang Maasahan[4] na ang mga salitang "lohikal" at "estadistikal" ay mga syokoy o "hindi dapat gamitin" dahil kung ikaw lang ang magpapasya kung ano ang "syokoy" o "hindi dapat gamitin" ay isa itong orihinal na pagsasaliksik na ipinagbabawal sa Wikipedia[5]. Maliwanag na mas matimbang para sa Wikipedia ang mga link ng mga ekspertong estadistiko[6] o mga propesor sa itaas kesa sa sarili mong opinyon.[7][8]
Hindi tinatanggap at hindi rin pwede sa Wikipedia ang mga sariling opinyon na "mali ang lipunan at ako ang tama" na walang mga ebidensiyang nagpapatunay ng mga akusasyong ito.[9] Atn20112222 (makipag-usap) 22:11, 10 Oktubre 2013 (UTC)[tugon]
Inilabas ngayong taon ng KWF ang bagong Ortograpiyang Pambansa [10]. Sabi dito (sumangguni sa pahina 20):
Ang payo nila:
Kung sinasabi ng regulador ng wika na kailangan mag-ingat sa paggamit ng mga salitang ito, hindi ba't mas mabuting iwasan na lang ang paggamit nito (dito sa Wikipedia) at gumamit na lang ang katumbas na salita naiintindihan din naman? --bluemask (makipag-usap) 01:41, 14 Oktubre 2013 (UTC)[tugon]
Ang problema ay nagbibigay ka na ng sarili mong interpretasyon sa sangguniang ginagamit mo na isang orihinal na pagsasaliksik[11]. Kung ito ang ibig sabihin ng sanggunian mo, bakit ito ginagamit ng mga mismong propesor ng Filipino ng UP o mga estadistiko? Kaya uulitin ko, kailangan mong magpakita ng maasahang sanggunian na ang mga ito ay salitang siyokoy o hindi dapat gamitin para hindi masabing sariling interpretasyon mo lang yan. Atn20112222 (makipag-usap) 21:31, 16 Oktubre 2013 (UTC)[tugon]