Usapang kategorya:Stub
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Stub. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Ang stub ay natatapat lamang na isalin sa Filipino o kahit sa transliterasyon o Filipinong pagbabaybay na "istab". Ang pahiwatig na "Ang artikulong ito ay isang stub. Makakatulong ka sa Wikipedia sa pamamagitan ng pagdagdag dito ..." ay nagtataglay ng di wastong konstraksyon o pagkakabuo ng pangungusap. Nararapat itong isalin sa:
"Ang artikulong ito ay isang istab. Malaking tulong ang maidudulot kung ito ay pamagyayaman sa pamamagitan ng pagdaragdag ng impormasyon hinggil sa paksa o usaping ito."
Sa ganitong pagkakataon, naiwasan nating kausapin ang mambabasa sa ikalawang persona o katauhan. Ang pariralang "makakatulong ka" ay may diin na tila "naguutos" o "pahiwatig ng paguutos"
- Ito kasi ang pinakamalapit (sa aking palagay) na salin ng mensageng ito sa Ingles: [1]
- This article is a stub. You can help Wikipedia by expanding it.
- Makikita na kinakausap talaga ang mambabasa. -- Bluemask 18:10, 11 Mar 2005 (UTC)
Suhestyon
[baguhin ang wikitext]Hinggil sa "literal na pagsasalin" ng "stub", marahil nararapat na umpisahan natin ang wastong pagsasalin. Hindi na dapat pang bigyan diin na ito ay literal na salin o transliterasyon gayong ang tunog at diwa nito sa Filipino ay may di magandang tunog at doble mensaheng (double message) naihahatid.
"Ito kasi ang pinakamalapit (sa aking palagay) na salin ng mensageng ito sa Ingles: [1] (http://en.wikipedia.org/wiki/Template:Stub)
This article is a stub. You can help Wikipedia by expanding it. Makikita na kinakausap talaga ang mambabasa. -- Bluemask 18:10, 11 Mar 2005 (UTC) "
Sa Ingles, ang tunog ay nagiimbinta ng pagpapalawig ng impormasyon, samantalng sa Filipino o Tagalog, ang pariralang "Makakatulong ka" ay implisitong o di-tuwirang naguutos.
Kung pananatiliin ang nasabing mensahe, mangyaring palitan na lamang natin ito ng "Kayo po ay makatutulong", pansinin na ito ay patungkol sa maramihan mambabasa o nakatatandang, bilang respeto na rin sa mambabasa.
Maraming salamat.