Pumunta sa nilalaman

Usapang padron:Mga Aklat ng Lumang Tipan

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga aklat na Apokripa ba ay dapat i-halo dito. Aking inimumungkahi na ilagay sila sa hiwalay na sektion. Estudyante (Usapan) 11:32, 21 Disyembre 2008 (UTC)[tugon]

Sa tingin ko ay dapat lamang na iwanan silang kasama dito, kasi isang mas "malawak" na Bibliya ang nararapat na gamitin natin dahil sa pagiging ensiklopedya natin. Para bang sa Noli Me Tangere na sinama natin kahit 'yung nawawalang kabanata nito. Hindi lahat ng mga Bibliya ay mayroong mga Apokripa o kaya Deuterokanoniko, dahil depende iyon sa pangkat ng mga mananampalataya o katulad na naghanda/naglimbag ng Bibliya. Pero dito sa Wikipedia kailangang saklawin natin ang pinakamalawak para maging "panlahat". Mayroon nang mga sariling artikulo/pahina ang Apokripa at Deuterokanoniko na dapat na lamang palawigin at lagyan ng mga paliwanag kung bakit mayroon o walang mga ganito ang iba't ibang nalimbag na mga Bibliya. - AnakngAraw 13:17, 25 Disyembre 2008 (UTC)[tugon]
Pero, kung ang tanong mo ay maaari bang magkaroon ng isa pang/bukod pang suleras na magpapakita ng kung anu-ano ba ang lahat ng mga aklat na itinuturing na mga Apokripa? Magkakaroon niyan dahil nakita ko na dati mula sa isang sanggunian ang isang enumerasyon ng mga ito. Kaso, hindi ko pa mababalikan sa ngayon ang pagsusulat ng mga indibidwal na pahinang ito dahil sa iba pang mga gawain (pangmundo ng Wiki at pangtunay na buhay), kaya pasensya na muna. Ito rin ang dahilan kung bakit wala pang enumerasyon ng mga aklat na ito sa loob ng pahinang Apokripa. Magkakaroon din ng isa pang kaurian/kategorya para sa mga ito. Makakatulong ka kung ibig mo nang simulan ang mga ito. Mabibigyan ang bukod na suleras ng pangalan ng pahinang "Suleras:Mga Aklat na Apokripa", at para sa kaurian bilang "Apokripa". - AnakngAraw 13:49, 25 Disyembre 2008 (UTC)[tugon]
Okay, nakuha ko na ang punto mo. Pero panlinaw lang, minungkahi ko lang naman magkaroon ng seksyon sa baba ng suleras na ito at doon sa sektion na iyon ilagay ang Apokripa. Estudyante (Usapan) 05:57, 26 Disyembre 2008 (UTC)[tugon]
Ay! Siya nga... pasensya. Pag-aaralan ko kung paano magagawa ito. - AnakngAraw 14:22, 26 Disyembre 2008 (UTC)[tugon]
Y Tapos na. - AnakngAraw 03:59, 29 Disyembre 2008 (UTC)[tugon]