Usapang tagagamit:Jepjep.lucas

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Hypersexuality[baguhin ang wikitext]

Ang Hypersexuality ay tumutukoy sa lubhang madalas o biglaang pagdaragdag ng sexual urges o sekswal na pag-uugali. Bagama't ang hypersexuality ay maaaring bunga ng ilang mga medikal na kondisyon o panggagamot, karamihan sa mga kaso nito ay hindi kilala ang sanhi. Maraming mga panteorya modelo ang ginamit upang maunawaan o gamutin ang hypersexuality. Ang pinaka-karaniwan dito, lalo na sa popular na media, ay ang sexual addiction approach, ngunit hindi pa ito napagkasunduan ng mga sexologist. Ang American Psychiatric Association ay tinanggihan ang isang panukala upang isama ang sexual addiction sa opisyal na listahan ng mga saykayatrik disorders. Gayunman, isang panukala upang isama ang Hypersexual Disorder, na naglalarawan lamang ng mga sintomas at walang isinasaad na anumang mga partikular na teorya, ay nananatili pa ring pinag-aaralan. Ilang mga may-akda ang nagduda kung akma nga bang talakayin pa ang hypersexuality, samantalang ang matinding sexual urges ay indikasyon lamang ng mga taong hindi sumusunod sa mga pamantayan ng kanilang kultura.


Epidemolohiya

Ang bilang ng mga tao na hypersexual, o naniniwala na sila ay hypersexual, ay hindi pa batid. Bagama't ilang mga estima na ang nailathala, hindi malinaw kung ano ang batayan ng mga ito. Ang mga estima ay karaniwang 3-6%.

Marami sa mga ipinanukalang mga kahulugan ng hypersexuality ay base sa kultura o pamantayan ng grupong kinabibilangan. Ang mga surveys na gumamit ng "convenience samples" ay nagmumungkahi na 3-5% ng mga lalaki na nasa mataas na paaralan o kolehiyo ay nagsasalsal araw-araw. Sa pag-aaral ng Kinsey, 7.6% ng mga lalaki ay gumagawa ng ilang mga sekswal na pag-uugali na humahantong sa orgasm (pagsasalsal, pakikipagtalik, sex sa bibig, atbp) araw-araw o higit pa. Sa "Laumann study" (isang malawakang survey sa sekswal na pag-uugali), 1.9% ng mga lalaki edad 18-59 ay nagsasalsal araw-araw, at 1.2% ang nagsasalsal higit isang beses sa isang araw.


Modelo at mga etiketa

Ang mga sexologists ay naglalarawan na ng mga kaso ng hypersexuality simula pa noong 1800s. Sa ilang mga kaso, ang hypersexuality ay isang palatandaan ng iba pang medikal na sakit, tulad ng Klüver-Bucy syndrome o Bipolar disorder, o side effect ng panggagamot, tulad ng mga gamot na ginagamit na panlunas sa Parkinson's disease. Samantala, ang hypersexuality ang iniulat na pangunahing problema sa ibang mga kaso.

Ang mga sexologists ay hindi pa napagkakaisahan kung paano pinakamahusay na ilarawan kung kailan ang hypersexuality ang nagiging pangunahing problema. Iginigiit ng ilang mananaliksik na ang mga ganitong sitwasyon ay kumakatawan sa isang literal na adiksyon; iginigiit naman ng iba na ang mga ganitong sitwasyon ay kumakatawan sa isang uri ng obsessive-compulsive disorder (OCD) o "OCD-spectrum disorder"; at iginigiit naman ng ibang mananaliksik na ito ay isang diperenya ng impulsivity. Bukod dito, iginigiit ng ilang mga may-akda na walang hypersexuality at sa halip, ito ay indikasyon lamang ng isang kultura na hindi ginugusto ang isang natatanging sekswal na pag-uugali.

Dahilan sa hindi mapagkasunduan kung ano nga ba ang sanhi ng hypersexuality, ang mga may-akda ay gumamit na ng iba't ibang mga tawag dito ngunit madalas ay depende sa kung aling teorya sila pabor o kung aling pag-uugali ang kanilang pinag-aaralan. Kabilang sa mga bansag na ginamit ay ang masturbation, mapilit na sekswal na pag-uugali, cybersex addiction, erotomania, "labis na sexual drive", hyperphilia, hypersexuality, hypersexual disorder, problematic hypersexuality, sexual addiction, sexual compulsivity, sexual impulsivity, "hindi makontrol na sekswal na pag-uugali", at mga sakit na may kaugnayan sa paraphilia. Kabilang sa iba pang mga bansag na halos lahat ay makasaysayan ay ang Don Juanism, nymphomania, at satyriasis.


Addiction model ng hypersexuality

Ang pinaka-karaniwang paraan upang maintindihan ang hypersexuality ay ang paggamit ng addiction model. Ang konsepto ng hypersexuality bilang isang adiksyon ay nagsimula noong 1970s sa pamamagitan ng dating miyembro ng Alcoholics Anonymous na naniniwala na ang kanilang sekswal na pag-uugali ay kapareho lamang ng kanilang pag-inom ng alak. Marami ng mga grupo na may 12-baitang na moda ngayon na umiiral para sa mga addicts sex, kabilang na ang Sex Addicts Anonymous, Sexaholics Anonymous, Sex at Love Addicts Anonymous, Sexual at Compulsives Anonymous.


Mga sakit na nagdudulot ng hypersexuality

Ang mga taong may bipolar disorder ay madalas nagpapakita ng matinding pagbabago ng sex drive depende sa kanilang kalagayan. Tinutukoy sa DSM-IV-TR na ang hypersexuality ay maaaring sintomas ng hypomania o kahibangan sa bipolar disorder o schizoaffective disorder.

Ilang neurological na kondisyon tulad ng Alzheimer's disease, iba't ibang uri ng pinsala sa utak, Klüver-Bucy syndrome, Kleine-Levin syndrome, at marami pang neuro-degenerative na sakit ay magdulot ng hypersexual na ugali. Kung minsan, ang mga gamot tulad ng methamphetamine ay maaari ring magsanhi ng hypersexual na ugali.


Makasaysayang gamit

Richard von Krafft-Ebing

Inilarawan ni Krafft-Ebing ang ilang mga kaso ng matinding sekswal na pag-uugali sa kanyang matagumpay na libro noong 1886, Psychopathia Sexualis. Bagama't ginamit nya ang salitang "hypersexuality" sa librong iyon, siya ay naglalarawan ng kondisyon na ngayon ay tinatawag ng premature ejaculation.


Nymphomania sa Panahong Victorian

Maraming mental na institusyon noong panahong victorian ang nagtuturing sa nimpomanya bilang isang sakit sa kaisipan na eksklusibong pambabae. Ang mga babae na biktima ng panggagahasa, anak sa labas, nagsalsal, o walang delikadesa ay itinuring na may sakit na nymphomania. Pagdating sa institusyon, bibigyan ng mga doktor ang babae ng isang pelvic exam. Kung nadama ng mga doktor na may namamagang tinggil ang babae, siya ay isasailalim sa panggagamot. Kasama sa gamutan ay ang sapilitan pagsusuka, padugo, leeches, mahigpit na diyeta, douches sa ulo o dibdib, at minsan, clitoridectomies.


Opisyal na katayuan diagnostic Ang Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorder ng ​​American Psychiatric Association ay mayroong isang entry na tinatawag na Sexual Disorder Not Otherwise Specified (Sexual Disorder NOS) na nag-aplay sa "pagkabalisa sa isang pattern ng paulit-ulit na sekswal na relasyong kinasasangkutan ng magkakasunod na mga mangingibig na ay nakaranas ng mga indibidwal na lamang bilang mga bagay na gagamitin. Ang isang panukala na idagdag ang Hypersexual disorder sa DSM ay kasalukuyang pinagaaralan ng APA.

Isang panukala na idagdag ang sexual addiction sa DSM ang tinanggihan ng APA dahil hindi sapat ang mga iminungkahing katibayan sa kanila na ang sexual addiction ay maihahalintulad sa substance addiction.

Isa pang nag-uuring sistema, ang International Statistical Classification of Diseases and Related Health Problems o ICD, ng World Health Organization ay mayroong entries para sa "Excessive sexial drive" (naka-code bilang F52.8) -nahahati sa satyriasis (para sa lalaki) at nymphomania (para sa mga babae)-at para sa "Excessive masturbation" o "Onanism (excessive)" (naka-code bilang F98.8).


Sanggunian

Behavioural syndromes associated with physiological disturbances and physical factors

Casual sex

Human sexuality

Sexual arousal

Sexual health

Symptoms

American Psychiatric Association DSM-5 Development Page for Hypersexual Disorder Levine, M. P, & Troiden, R. R. (1988). The myth of sexual compulsivity. Journal of Sex Research, 25, 347–363. Kaplan, M. S., & Krueger, R. B. (2010). Diagnosis, assessment, and treatment of hypersexuality. Journal of Sex Research, 47, 181-198. Atwood, J. D., & Gagnon, J. (1987). Masturbatory behavior in college youth. Journal of Sex Education and Therapy, 13, 35–42. Kinsey, A. C., Pomeroy, W. B., & Martin, C. E. (1948). Sexual behavior in the human male. Philadelphia: W. B. Saunders. Laumann, E. O., Gagnon, J. H., Michael, R. T., & Michaels, S. (1994). The social organization of sexuality: Sexual practices in the United States. Chicago: University of Chicago Press. Kafka, M. P. (2010). Hypersexual Disorder: A proposed diagnosis for DSM-V. Archives of Sexual Behavior, 39, 377–400. Stein, D. J. (2008). Classifying hypersexual disorders: Compulsive, impulsive, and addictive models. Psychiatric Clinics of North America, 31, 587–592. Bancroft, J., & Vukadinovic, Z. (2004). Sexual addiction, sexual compulsivity, sexual impulsivity or what? Toward a theoretical model. Journal of Sex Research, 41, 225–234. Coleman, E. (1986, July). Sexual compulsion vs. sexual addiction: The debate continues. SIECUS Report (pp. 7–11). Orford, J. (1985). Excessive appetites: A psychological view of the addictions. Chichester, England: John Wiley & Sons. Carnes, P. (1983). Out of the shadows: Understanding sexual addiction. Minneapolis, MN: CompCare. Levine, S. B. (2010). What is sexual addiction? Journal of Sex & Marital Therapy, 36, 261–275. Rinehart, N. J., & McCabe, M. P. (1997). Hypersexuality: Psychopathology or normal variant of sexuality? Sexual and Marital Therapy, 12, 45–60. Quadland, M. C. (1985). Compulsive sexual behavior: Definition of a problem and an approach to treatment. Journal of Sex and Marital Therapy, 11, 121–132. Coleman, E. (1990). The obsessive–compulsive model for describing compulsive sexual behavior. American Journal of Preventive Psychiatry & Neurology, 2, 9–14. ICD-10 entry for "Excessive sexual drive." Money, J. (1980). Love and love sickness. The science of sex, gender difference, and pair bonding. Baltimore, MD: Johns Hopkins University Press. Miller, B. L., Cummings, J. L., & McIntyre, H. (1986). Hypersexuality and altered sexual preferences following brain injury. Journal of Neurology, Neurosurgery and Psychiatry, 49, 867–873. Orford, J. (1978). Hypersexuality: Implications for a theory of dependence. British Journal of Addiction, 73, 299–310. Krueger, R. B., & Kaplan, M. S. (2001). The paraphilic and hypersexual disorders. Journal of Psychiatric Practice, 7, 391–403. Kingston, D. A., & Firestone, P. (2008). Problematic hypersexuality: Review of conceptualization and diagnosis. Sexual Addiction and Compulsivity, 15, 284–310. Dodge, B., Reece, M., Cole, S. L., & Sandfort, T. G. M. (2004). Sexual compulsivity among heterosexual college students. Journal of Sex Research, 41, 343–350. Kafka, M. P. (1995b). Sexual impulsivity. In E. Hollander & D. J. Stein (Eds.), Impulsivity and aggression (pp. 201–228). Chichester, England: John Wiley. Bancroft, J. (2008). Sexual behavior that is "out of control": A theoretical conceptual approach. Psychiatric Clinics of North America, 31, 593-601. Kafka, M. P. (1994). Paraphilia-related disorders: Common, neglected, and misunderstood. Harvard Review of Psychiatry, 2, 39–40. Kafka, M. P. (2000). The paraphilia-related disorders: Nonparaphilic hypersexuality and sexual compulsivity/addiction. In S. R. Leiblum & R. C. Rosen (Eds.), Principles and practice of sex therapy (3rd ed., pp. 471–503). New York: Guilford Press. Kafka, M. P. (2001). The paraphilia-related disorders: A proposal for a unified classification of nonparaphilic hypersexuality disorders. Sexual Addiction &Compulsivity, 8, 227–239. Ellis, A., & Sagarin, E. (1965). Nymphomania: A Study of oversexed women. London: Ortolan. Goleman, D. (1984, October 16). addiction&st=nyt&pagewanted=2 Some sexual behavior viewed as an addiction. New York Times, pp. Cl, C9. Krafft-Ebing, R. von (1886/1965). Psychopathia sexualis: A medico–forensic study (H. E. Wedeck, Trans.). New York: Putnam. Goldberg, Ann. Sex, Religion, and the Making of Modern Madness New York: Oxford University Press, 1999. ref in [46] American Psychiatric Association. (2000). Diagnostic and statistical manual of mental disorders (4th ed., text revision). Washington, DC: Author. http://health.usnews.com/health-news/family-health/brain-and-behavior/articles/2010/02/10/new-diagnostic-guidelines-for-mental-illnesses-proposed http://www.icd10data.com/ICD10CM/Codes/F01-F99/F50-F59/F52-/F52.8 http://www.icd10data.com/ICD10CM/Codes/F01-F99/F90-F98/F98-/F98.8