User Datagram Protocol
Ang User Datagram Protocol (UDP) ay isa sa mga kaibuturang sangkap ng Internet protocol suite. Ang protocol na ito ay dinisenyo ni David P. Reed noong 1980 at ito ay pormal na nakatukoy sa RFC 768.
Ang UDP ay gumagamit ng simpleng modelo ng transmisyong hindi gumagamit ng kawad na may mekanismong opisyal na pamamaraan (protocol) man lamang. Ito ay walang nakatadang pamantayan sa pakikipag-ugnayan at sa ganito, naipapakita ang hindi kahusayan ng pinagbabatayang network protocol sa programa ng gumagamit. Walang garantiya ng pagdadala, paghingi, o proteksyon sa paulit-ulit na datos. Ang UDP ay naglalaan ng digital na mga numero para sa integridad ng mga datos, at mga numero ng daungan sa umaandar na sistema ng kompyuter para sa pakikitungo sa iba't-ibang tungkulin sa pinanggalingan at pagdadalhan ng datos.
Gamit ng UDP, ang mga programa sa kompyuter ay maaaring magpadala ng bilin, o kaya mga datos sa ganitong katayuan, sa ibang gumagamit sa isang Internet Protocol (IP) network nang walang naunang pakikipag-ugnayan upang magtayo ng lagusan ng datos. Ang UDP ay naaangkop para sa mga layunin kung saan ang paghahanap ng mali at pagtama ay hindi kinakailangan o isinasagawa ng ibang programa, na iiwas sa mas mahirap na pagproproseso sa antas ng ugnayan sa network. Ang mga programang nangangailangang maging mahigpit sa oras ay madalas gumagamit ng UDP sapagkat ang pagbitaw ng ilang bahagi ng datos ay mas mainam kaysa paghihintay ng mga nahuling datos, na hindi maaaring opsyon sa isang sistemang sumasabay sa pagdaloy ng oras. Kung ang pagtatama ng kamalian ay kinakailangan sa antas ng ugnayan ng network, ang isang programa ay maaaring gumamit na laman ng Transmission Control Protocol (TCP) o Stream Control Transmission Protocol (SCTP) na dinisenyo para sa ganitong gawain.