Pumunta sa nilalaman

Valonia

Mga koordinado: 50°30′N 4°45′E / 50.500°N 4.750°E / 50.500; 4.750
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Valon)
Ang Valonia sa pula, sa timog ng Belhika.
Watawat ng Valonia

Ang Rehiyong Valon (Pranses: Région Wallonne) o sa maigsing kataga, Valonia (Pranses: Wallonie; Ingles: Wallonia; Aleman: Wallonie)[1] ay ang nagpa-Pranses na rehiyon sa timog ng Belhika. Susasaklaw ito sa 55% ng lupang teritoryo ng Belhika at 33% ng populasyon ng bansa. Ang "Rehiyong Valon" ay ang katagang nagtutukoy sa pamahalaang pang-rehiyon ng Valonia. Ang malaking bahagi ng Valonia ay pinangangasiwaan ng Pamayanang Pranses ng Belhika sa mga bagay na ukol sa kultura at edukasyon. Ang maliit na pamayanang nag-a-Aleman dito ay bumubuo sa Pamayanang Nag-a-Aleman ng Belhika, at mayroon itong sariling pamahalaan at batasan sa mga bagay-bagay pangkultura.

Ang tawag sa mga mamamayan ng Valonia ay mga Valon[2] (bigkas: ba-LON; Ingles: Walloon)[3]. Ang Wikang Valon (Walon) ay isang nagtatanging wika na kapamilya ng Pranses; iba ito sa tinatawag na Pranses ng Belhika[4] (français de Belgique).

Ang kabisera ng rehiyon ay ang lungsod ng Namur, ang pinakamataong kalahkan dito ay ang Lieja (Pranses: Liège) at ang pinakamataong lungsod ay ang Charleroi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Región Valona (sa Kastila)
  2. valón -na. ‘De la zona francófona de Bélgica’: «Supo ser un árbitro genial entre los valones y los flamencos» (Mundo [Esp.] 12.7.94). Se desaconseja la grafía Marca de incorrección.walón.
  3. Wallonia (sa Ingles)
  4. E.B. Atwood, "The phonological divisions of Belgo-Romance", in Orbis, 4, 1955, pp. 367-389.
  • Johannes Kramer (1984). Zweisprachigkeit in den Benelux-ländern (sa wikang Aleman). Buske Verlag. ISBN 3871185973.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

50°30′N 4°45′E / 50.500°N 4.750°E / 50.500; 4.750