Vapor-compression cycle
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Marso 2022) |
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Setyembre 2011) |
Ang vapor-compression cycle ang itinuturing na pinakamahalagang sirkulo sa refrigeration o pagpapalamig. Ito ang madalas gamitin sa industriya kaya maituturing itong pinakapopular at epektibo na sirkulo. Dito ay sinisiksik ang vapor, tapos ay pinabababa ang temperatura upang ito ay maging liquid kung saan ang presyon ay bababa rin. Ito ay ginagawa upang ang tubig ay mag-evaporate sa mababang presyon.
Isang halimbawa nito ay ang tinaguriang Carnot Cycle. Ito at isinaisip ni Nicolas A. Sadi Carnot sapagkat ang pagkakaroon raw ng perpektong proseso kung saang ang lahat ng init at maaaring mailipat bilang mechanical work. Dahil sa kaisipang ito kaya nabuo niya ang ideya ng Carnot cycle.Ang tawag sa nagdadala ng init sa buong proseso ay refrigerant. Ang proseso ay nagsisimula sa pagsiksik ng compressor para bumaba ang presyon ng refrigerant na walang nawawalang init, pagkatapos ay daraan ito sa evaporator at tatanggap ng init para sa paglipat ng vapor sa pagiging liquid. Pagkatapos ay sa expansion valve kung saan ang paluluwangin ang daan para tumaas ang presyon ng refrigerant, at sa huli ay papasok ito sa condenser para ang vapor ay maging liguid muli. At ang sirkulong ito ay paulit-ulit lamang.
Ang pagiging epektibo ng Carnot cycle ay sinisimbolo ng tinatawag na coefficient of performance na nakukuha sa pamamagitan ng pagdivide sa useful refrigeration at net work. Gusto nating mapataas ito dahil nangangahulugan itong makukuha natin ang hustong pagpapalamig sa maliit na porsyentong work lamang. Para maging mataas ang coefficient of performance ay may dalawang pwedeng gawin: una ay gumamit ng mataas na temperature para sa pasukan ng compressor, at pangalawa ay ang paggamit ng mababang temperature sa labasan ng compressor.
Ang pagsiksik o compression ay may dalawang uri: ang basing pagsiksik at ang tuyong pagsiksik. Ang basing pagsiksik ay ang pagsasagawa ng pagsisiksik na proseso sa estadong may kakaunting patak pa ng liquid. Ito ay hindi masyadong inaayunan sapagkat ang tubig na ito na pumapasok sa compressor ay maaring makasira sapagkat maaring kalawangin ang loob ng compressor. Kung kaya’t ipinakilala ang tuyong pagsisiksik kung saan naman nangyayari ang pagsisiksik sa estadong wala nang patak ng liquid.