Pumunta sa nilalaman

Vas deferens

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vas deferens
Vertical section of the testis, to show
the arrangement of the ducts
Mga detalye
Latinvas deferens (plural: vasa deferentia),
ductus deferens (plural: ductus deferentes)
TagapagpaunaWolffian ducts
Superior vesical artery, artery of the ductus deferens
External iliac lymph nodes, internal iliac lymph nodes
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.1245
TAA09.3.05.001
FMA19234

Ang vas deferens (maramihan: vasa deferentia), na tinatawag ding ductus deferens (Latin: "lalagyan na nagdadala papalayo"; maramihan: ductus deferentes), ay bahagi ng anatomiya ng lalaki ng maraming mga may gulugod na hayop; ang mga vasa o sisidlang ito ay nagdadala ng isperma mula sa epididymis papunta sa mga duktong ehakulatoryo bilang pangunguna sa ehakulasyon. Samakatuwid, ito ang mga tubong lagusan ng tamod sa kalalakihan na tumatakbo mula sa epididyumes papunta sa mga besikulong seminal (pangsemen) at urethra.[1]

Mayroong dalawang mga dukto o maliliit na mga tubo, na nag-uugnay sa pangkaliwa at pangkanang epididymis hanggang sa lagusang pangpagpapalabas o nagpapapulandit ng tamod upang makapaglipat isperma. Ang bawat tubo ay humigit-kumulang sa 30 mga sentimetro (0.98 ft) ang haba (sa mga tao), na mayroong diyametrong 3 hanggang 5 mm, na muskulado (napapaligiran ng makinis na masel). Ang epithelium nito ay naguguhitan ng stereocilia. Kabahagi ang mga ito ng mga kurdong ispermatiko.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.
  2. Dr C Sharath Kumar, Ph D Thesis, University of Mysore, 2013.