Pumunta sa nilalaman

Lalaking Vitruvio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Vitruvian Man)
Lalaking Vitruviano
Alagad ng siningLeonardo da Vinci
Taonc. 1490
TipoPanulat at tinta na mayroong buhos sa ibabaw ng tuldok ng metal na nasa ibabaw ng papel.
Sukat34.4 cm × 25.5 cm (13.5 pul × 10.0 pul)

Ang Lalaking Vitruvio (Ingles: Vitruvian Man; Espanyol: Hombre de Vitruvio; Italyano: Uomo vitruviano) ay isang larawang iginuhit ni Leonardo da Vinci noong dekada 1490.[1] Mayroon itong mga kasamang mga tala hinggil sa mga nagawa ng arkitektong si Vitruvius. Ang larawang nakaguhit, na ginawa sa pamamagitan ng panulat at tinta sa ibabaw ng papel, ay naglalarawan ng pigura o hugis ng isang lalaki na nasa dalawang magkapatong na mga posisyon na ang mga bisig at mga binti ay magkahiwalay at magkasabay na nakapaloob sa isang bilog at sa isang parisukat. Ang guhit at teksto ay paminsan-minsang tinatawag na Kanon ng mga Proporsiyon o, sa hindi kadalasan, bilang Mga Proporsiyon ng Lalaki. Nakaimbak ito sa Gallerie dell'Accademia sa Venice, Italya, at, katulad ng karamihan sa mga akdang nasa papel, ay paminsan-minsan lamang itinatanghal[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Stemp, Richard. The Secret Language of the Renaissance.
  2. "The Vitruvian man". Leonardodavinci.stanford.edu. Nakuha noong 2010-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Da Vinci's Code". Witcombe.sbc.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-04-19. Nakuha noong 2010-08-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

SiningItalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.