Pumunta sa nilalaman

Wafa Sultan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wafa Sultan
Kapanganakan
NasyonalidadSyrian
MamamayanUnited States of America
EdukasyonMedicine (psychiatry)
NagtaposUniversity of Aleppo
TrabahoPsychiatrist
Kilala saCriticism of Islam
TituloDoctor

Si Wafa Sultan (Arabic: وفاء سلطان; ipinanganak noong 14 Hunyo 1958, Baniyas, Syria) ay isang medikal na doktor na nagsanay bilang sikayatrista sa Syria. Siya ay isang Amerikanong manunulat at kritiko ng lipunang Muslim at ng relihiyong Islam.

Si Sultan ay ipinanganak sa isang malaking tradisyonal na pamilyang Alawite Muslim sa Baniyas, Syria. Bagaman ninais ni Sultan na maging isang manunulat at nagnais na mag-aral ng panitikang Arabiko, siya ay nag-aral sa isang paaralang Medikal sa Unibersidad ng Alepp sanhi ng pagpipilit ng kanyang pamilya. Kanyang isinaad na naging isa siyang sekular dahil sa mga kalupitan na isinagawa ng mga ekstremistang Muslim noong 1979 laban sa mga inosenteng Syrian kabilang ang pagsaksi sa pagpaslang gamit ang machine-gun ng kanyang propesor ng optalmolohiyang si Yuself al Yusef habang siya ay estudyanteng medikal. "Nagpaputok sila ng mga daang daang bala sa kanya na sumisigaw ng 'Allahu Akbar'. Sa puntong ito nawalan na ako ng pagtitiwala sa diyos at sinimulang kwestiyunin ang mga katuruan. Ito ang pagpapasyang punto sa buhay ko na tumungo sa kasalukuyang punto. Kailangan kong umalis. Kailangang kong maghanap ng iba pang diyos."

Si Sultan ay nagtrabaho bilang sikayatrista sa isang hospital. Siya at ang kanyang asawang guro ay lumipat sa Estados Unidos noong 1989 kung saan siya nanirahan sa Los Angeles, California at naging isang naturalisadong mamamayan. Sa simula, siya ay kailangang magtrabaho bilang isang kahera sa isang estasyon ng gaas at sa isang pizza parlour ngunit natuklasang ang pagtrato sa kanyang sa mga trabaho na ito ay mas mabuti kesa sa pagtatrabaho sa loob ng apat na taon sa isang hospital. Sa kanyang pagdating sa Estados Unidos, siya ay nagsimulang mag-ambag ng mga artikulo sa mga publikasyong Arabiko sa Estados Unidos at naglimbag ng mga aklat na Arabiko. Si Sultan ay nakilala pagkatapos ng mga pag-atake noong Setyembre 11, 2001 sa kanyang pakikilahok sa mga debateng pampolitika, sa mga sanaysay na Arabiko na malawak na ipinamahagi at sa paglabas sa telebisyon sa Al Jazeera at CNN noong 2005.