Pumunta sa nilalaman

Watawat ng Polonya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Watawat ng Polonya
}}
Pangalan Watawat ng Republika ng Polonya
Paggamit Pambansang watawat National flag
Proporsiyon 5:8
Pinagtibay 1 Agosto 1919
Disenyo Isang pahalang na bikolor ng puti at pula
}}
Baryanteng watawat ng Polonya
Pangalan Watawat ng Republika ng Polonya na may eskudo de armas nito
Paggamit Ensenyang sibil at pang-estado Civil and state ensign
Proporsiyon 5:8
Pinagtibay 1919; huling binago noong 1990
Disenyo Isang pahalang na bikolor ng puti at pula na kinaskasan ng eskudo de armas ng Polonya sa puting parihaba

Ang watawat ng Polonya (Polako: flaga Polski) ay bandilang bikolor ng dalawang pahalang na banda ng puti sa itaas at pula sa ibaba. Mga kulay na itinakda ng Saligang Batas ng Polonya bilang pambansang kulay nito. May dalawang baryante rin ang watawat: isang may eskudo de armas ng bansa sa gitna ng puting parihaba na reserbado para sa opisyal na paggamit sa karagatan at sa ibang bansa, at isa ring nakabuntot-golondrina (swallow tail) na ginagamit naman bilang ensenyang pang-hukbong dagat nito.

Unang itinakda ang puti at pula bilang pambansang kulay ng Polonya noong 1831, at nagmula ito sa tradisyong heraldiko ng bansa, kung saan inangkin ang tintura (kulay) ng mga eskudo de armas ng kasaping bansa ng Komonwelt ng Polonya at Litwaniya: ang Puting Agila ng Polonya at ang Pahonia (Manunugis; isang kabalyerong nakakabayo) ng Dakilang Dukado ng Litwaniya, na parehong nakapataw sa isang pulang likuran.


Polonya Ang lathalaing ito na tungkol sa Polonya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.