Pumunta sa nilalaman

Waziristan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hilaga (lila) at Timog (bughaw) Waziristan at mga nakapaligid Pangasiwaang Pederal para sa Lugar ng mga Tribo at mga probinsiya

Ang Waziristan (Pastun: وزیرستان‎, "lupain ng mga tribu ng Wazir", ay isang bulubunduking rehiyon sa ahensiya ng Hilagang Waziristan at Timog Waziristan . Ito ay binubuo ng hangganan ng Rehiyon ng Bannu, at kanluraning bahagi ng Distrito ng Tank sa hilagang-kanluran ng Pakistan, kabilang ang Distrito ng Janikhel, Distrito ng Gurbuz at Distrito ng Barmal sa distrito ng silangang Afghanistan. Nasasakupan ng Waziristan ang ilang bahagi ng lupain na may sukat na 15,000 square kilometre (5,800 mi kuw). Ang lugar ay karaniwang tinitirahan ng mga pangkat etnikong Pashtuns. Ito ay pinangalanan mula sa tribu ng Pashnun na ang tawag ay Tribu ng Wazir.[1] Ang wikang ginagamit sa lambak ay ang Pashto, ngunit ginagamit ng nakararami ang wikang Wazirwola. Karamihan sa mga rehiyon sa dakong Timog ay pinangangasiwaan ng pederal para sa lugar ng mga tribu.

Ang Waziristan ay binubuo ng dalawang lugar, ang kanluran at timog-kanluran ng Peshawar, sa gitna ng Ilog ng Tochi hanggang sa hilaga at Ilog ng Gomal sa timog. Matatagpuan sa silangan ang mga distrito ng Bannu, Tank at hangganan ng Dera Ismail Khan. Matatagpuan naman sa hilagang-silangan ang lambak ng Kurram, habang ang probinsiya ng Paktia, Khost at Paktika ay matatagpuan sa kanluran at hilaga. Ang rehiyon ay malayang teritoryo ng mga tribu hanggang 1893, at di nasasakupan ng Imperyong Britaniko. Ang pagsakop at pamamahala sa mga tribu ay naging suliranin ng mga Britaniko,[2] kung saan nagtatamo ng madalas na parusa sa paglalakbay sa kalagitnaan ng taong 1860 at 1945. Ang rehiyon ay naging bahagi ng Pakistan noong 1947.

Para sa mga layuning pang-administratibo, hinati ang Waziristan sa dalawang "ahensiya", ang Hilangang Waziristan at Timog Waziristan , kung saan tinatayang may populasyong 361,246 at 429,841 noong 1998. Ang dalawang ahensiya ay may kanya-kanyang pag-kakaiba kahit na ito ay bahagi ng grupo ng Tribu ng Wazir at parehong gumagamit ng wikang Wazirwola. Sila ay may reputasyon na mahirap taluning mandirigma [3] at kilala bilang mahigpit na kaaway. [kailangan ng sanggunian]

Ang Tribu ng Wazir ar nahahati sa ilang maliliit na tribu na pinamumunuan ng matatandang lalaki na naninirahan sa lugar kung saan sila ay nag titipon-tipon na tinatawag na Loya Jirga. Konserbatibo ang mga Waziristan pagdating sa panlipunan at pangrelihiyong paniniwala. Ang mga kababaihan ay maingat na binabantayan, at lahat ng kabahayan ay pinamumunuan ng mga kalalakihan.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Tribe: Ahmadzai Wazir" (PDF). Naval Postgraduate School. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  2. Lawson, Alastair (2008-04-21). "Why Britons walked warily in Waziristan". BBC News. BBC. Nakuha noong 2008-04-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A powerful tribal chief has warned militants linked with al-Qaeda to leave a Pakistani border district after the death of eight members of his clan supporting peace efforts in the troubled region. Maulavi Nazir, who drove out hundreds of Uzbek fighters in a bloody battle last year, said his armed followers would attack those loyal to an al-Qaeda linchpin in South Waziristan. Mr Nazir, who represents the influential Wazir tribe, blamed Baitullah Mehsud..." (Australian News Network), Jan 8, 2008 (on-line)