Wikang Piamontes
Ang Piamontes o Piedmontese (Ingles /ˌpiːdmɒnˈtiːz/ PEED-mon-TEEZ; autonimo: piemontèis [pjemʊŋˈtɛjz] o lenga piemontèisa; Italyano: piemontese) ay isang wikang sinasalita ng mga 2,000,000 katao karamihan sa Piamonte, isang rehiyon ng Hilagang-kanlurang Italya. Bagaman itinuturing ng karamihan sa mga lingguwista na isang hiwalay na wika, sa Italya ito ay madalas na maling itinuturing bilang isang Italyanong diyalekto.[1] Ito ay lingguwistikong kasama sa pangkat ng mga wikang Galoitaliko ng Hilagang Italya (kasama ang Lombardo, Emiliano, Ligur, at Romañol), na gagawin itong bahagi ng mas malawak na kanlurang pangkat ng mga wikang Romansa, na kinabibilangan din ng Pranses, Oksitano, at Catalan. Ito ay sinasalita sa pusod ng Piamonte, sa hilagang-kanluran ng Liguria, malapit sa Savona, at sa Lombardia (ilang munisipalidad sa pinakakanlurang bahagi ng Lomellina malapit sa Pavia).
Mayroon itong suporta mula sa pamahalaang pangrehiyon ng Piamonte ngunit itinuturing na isang diyalekto sa halip na isang hiwalay na wika ng pamahalaang sentral ng Italya.[1]
Dahil sa diasporang Italyano, kumalat ang Piamontes sa Arhentinang Pampas, kung saan nanirahan ang maraming imigrante mula sa Piamonte. Ang wikang Piamontes ay sinasalita din sa ilang estado ng Brazil, kasama ang wikang Veneciano.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 La Stampa. "Per la Consulta il piemontese non è una lingua". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 1, 2012. Nakuha noong Mayo 14, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "consulta" na may iba't ibang nilalaman); $2
Karagdagang pagbabasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Zallio, A. G. (1927). "The Piedmontese Dialects in the United States". American Speech. 2 (12): 501–4. doi:10.2307/452803. JSTOR 452803.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Piedmontese language sa Curlie
- Cultural Association "Nòste Rèis": features online Piedmontese courses for Italian, French, English, and Spanish speakers with drills and tests
- Piemunteis.it - Online resources about piedmontese language: poems, studies, audio, free books
- Piemontese basic lexicon (several dialects) at the Global Lexicostatistical Database
- Omniglot's entry on Piedmontese