Pumunta sa nilalaman

WikiLeaks

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang WikiLeaks ( /ˈwɪkilks/ ) ay isang internasyonal na organisasyon na naglalathala ng mga balitang naibubunyag at media na klasipikado mula sa mga hindi nakikilalang sanggunian . Ang website nito, na pinasimulan noong 2006 sa Iceland ng samahang Sunshine Press, ay inangkin noong 2015 na pinakawalan online ang 10 milyong mga dokumento sa unang 10 taon nito. Si Julian Assange, isang aktibista sa Internet galing Australia, ay karaniwang inilarawan bilang tagapagtatag at direktor nito. Mula noong Setyembre 2018, si Kristinn Hrafnsson ay nagsilbi bilang punong tagapatnugot nito.