Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Balangkas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga balangkas sa Wikipedia ay mga pahina na maaring gawin at mapabuti sa limitadong panahon lamang. Pinapahintulot nito ang mga patnugot na pagbutihin ang isang bagong artikulo at makatanggap ng kumento bago ito ilipat sa pangunahing espasyo o mainspace ng Wikipedia.

Sa ibang bersyon ng Wikipedia, may partikular na namespace o espasyo para gawin ang mga balangkas tulad sa Wikpediang Ingles na may draft namespace. Sapagkat wala ganyang namespace dito sa Wikipediang Tagalog, nilalagay ang balangkas bilang sub-pahina ng pahinang ito. Halimbawa, kung nais mong lumikha ng artikulo tungkol sa "Lungsod ng Tralala", gawin muna ito bilang pahina na nagngangalang "Wikipedia:Balangkas/Lungsod ng Tralala".

Sa alternatibong paraan, maari ka rin lumikha ng balangkas bilang sub-pahina ng pahinang tagagamit mo. Halimbawa, kung nais mo lumikha ng artikulo tungkol sa bandang Kamote, maari kang lumikha ng artikulo sa pahinang "Tagagamit:Juan de la Cruz/Kamote" kung saan ang "Juan de la Cruz" ay isang pamalit teksto para sa username o pangalang tagagamit mo.

Pagkatapos, abisuhin ang pamayanang Wikipedia sa pamamagitan ng pag-iwan ng kumento sa Kapihan, upang may magsuri nito. Maaring matagal ang pagsuri, maaring madali. Maging matiyaga lamang.

Para sa mabilisang paglikha ng balangkas, ilagay lamang ang pamagat ng iyong artikulo at pindutin ang buton sa ibaba, subalit mas nirerekomenda na tingan mo muna ang Salamangkero ng Artikulo kung papasa ang iyong artikulo sa Wikipedia.


Gumawa ng balangkas bilang sub-pahina ng Wikipedia:Balangkas:



Tingnan ang mga kasalukuyang balangkas


Gumawa ng balangkas bilang sub-pahina ng pahinang tagagamit mo:


Mga pananda

Sa mga tagapangasiwa: Maaring burahin ang isang balangkas kung malinaw itong lumalabag sa karaptang-ari, mapanirang-puri sa buhay na tao, o hindi sakop sa mga prinsipyo ng Wikipedia. Kung sa tingin ninyo naman na inabandona na ang balangkas sa matagal na panahon at walang nagsusuri, makipag-ugnayan muna sa gumawa ng balangkas kung balak pa niya itong ipagpatuloy. Mas maganda kung suriin mo na lamang at kung pasado naman ito, ilipat na sa mainspace. At kung hindi talaga tumutugon ang lumikha ng balangkas sa loob ng dalawang linggo, maari na itong burahin ayon sa WP:BURA B19. Gayon pa man, hindi istrikto ang pagbubura ng balangkas, di tulad sa nakalathala sa pangunahing espasyo dahil balangkas pa lamang ito at hindi pa tapos.