Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 13

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
  • Ililikas ng Mga Nagkakaisang Bansa ang ilang mga manggagawa mula sa estado ng Kanlurang Dufur ng Sudan dahil sa nadadagdagang karahasan. Sabi ng mga opisyal ng Mga Nagkakaisang Bansa, naabala ng karahasan ang pagbibigay tulong sa 650,000 takas o refugee sa rehiyon. (Reuters)
  • Naipasa ang Right to Information Act (Batas sa Karapatan sa Impormasyon) 2005, (Batas Blg. 22/2005) ng Parlamento ng Indya na nagbibigay sa mamamayan ng Indya sa pagkuha ng mga dokumento ng Pamahalaan, st nagsimulang ipatupad sa Indya. (RTIAct)
  • Nakumpirma ang presensiya ng mapanganib na H5N1 avian influenza virus sa mga patay na ibong natagpuan sa Turkey, na naging unang kaso ng sakit sa Europa. (BBC)
  • Sa Stockholm, ipinahayag na ang Briton na manunulat ng dula na si Harold Pinter ang nanalo ng 2005 Premyong Nobel para sa Panitikan. (Reuters)