Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Hunyo 1
Itsura
- Nanumpa si Mauricio Funes bilang Pangulo ng El Salvador. (Al Jazeera)
- Pinalitan ng Citigroup ang Dow Jones & Company at ng Travelers Companies at Cisco Systems ang General Motors sa Industrial Average sa Hunyo 8. (CNNMoney.com)
- Nawala ang Air France Lipad 447 sa ibabaw ng Karagatang Atlantiko, malapit sa Brazil. (AFP sa pamamagitan ng News Limited) (BigPond News)
- Iniulat ng Congressional Research Service ng Estados Unidos na nagbibigay ng tulong ang Tsina sa pagbuo ng programang armas nuklear ng Pakistan. (The Times of India)
- Nagpalista ng pagkalugi ang General Motors sa ilalim ng Chapter 11 ng U.S. Bankruptcy Code. (Detroit Free Press)
- Dinukot ng Taliban ang humigit-kumulang sa 400 katao sa North-West Frontier Province, Pakistan. (Reuters) (RTÉ)
- Higit sa 40,000 kababaihan ang nagpaligsahan sa Women's Mini Marathon sa Dublin, Ireland. (Evening Herald)(Irish Times)
- Tumangging pakawalan ng Movement for the Emancipation of the Niger Delta (Tagalog: "Kilusan para sa Pagpapalaya ng Delta ng Niger") ang Britong bihag na si Mateo Maguire. (BBC)
- Isang lalaki ang nakapatay ng isang kawal at nakasugat ng isa pa sa isang sentrong pangangalap ng milita Little Rock, Arkansas. (MSNBC) (WN)