Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Nobyembre 23
Itsura
- 21 na bangkay ang nahukay sa Maguindanao matapos ang isang malagim na pamamaslang na hinihinalang may kinalaman sa napalalapit na halalan sa taong 2010. New York Times(MB)
- Tinangghal si Efren Peñaflorida, ang nagsimula ng "silid-aralan sa kariton" sa Pilipinas para magturo sa mga mahihirap na kabataan, bilang CNN Heroes ng taong 2009. (Philstar)(CNN)
- Pambato ng bansang Brazil, Larissa Ramos, tinangghal na Miss Earth para sa taong 2009. (ABS-CBN News)(China Daily)(Toronto Sun)
- Mahigit 120 mangingisdang Indonesyan at Taiwanese ang inaresto at ikinulong sa Myanmar dahil sa ilegal na pangingisda. (AFP)(e-Taiwan News)(Channel News Asia)
- Namatay sa pagsabog sa isang minahan sa Tsina umabot na sa 104 katao. (Washington Post)(CBC News)
- Pangulo ng Romanya, Traian Basescu, makakaharap ang lider ng oposisyon na si Mircea Geoana sa run-off na halalan sa darating na ika-6 ng Disyembre para malamang kung sino ang magiging pangulo ng kanilang bansa. (New York Times)(Bloomberg)(The Telegraph)
- Pinabulaanan ng Kapitan ng barkong lumubog sa Indonesya, na ikinamatay ng 29 na katao, na sobrang karga ang dahilan ng paglubog ng nasabing barko. (ABC News)(AFP)(The Jakarta Post)