Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2012 Abril 28
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Pag-aalsa sa Syria:
- Sinasabi ng mga aktibista mula sa Syria na pumatay ng sampung katao ang Sandatahang Lakas ng Syria sa Damascus. (Reuters)
- Inaakusa ng Syria ang Sekretarya-Heneral ng Mga Bansang Nagkakaisa na si Ban Ki-moon na siya ang nagbibigay "inspirasyon" para atakihin ang pamahalaan. (AP via Google)
- Dalawang bantay at dalawang rebelde ang napatay sa isang pag-atake sa Gobernador ng Lalawigan ng Kandahar sa Afghanistan. (AFP via Yahoo News Australia)
- Pagsabog sa Dnipropetrovsk noong 2012: Ipinangako ng Pangulo ng Ukraine na si Viktor Yanukovich na magkakaroon ng imbestigasyon sa pagsabog na nakasakit sa tatlumpung katao. (Reuters)
- Sakuna
- Isang katao ang namatay at humigit kumulang 110 ang nasugatan sa pagbagsak ng isang tent sa isang restawrant malapit sa Istadyum ng Busch sa St. Louis, Missouri. (CNN)
- Internasyonal na relasyon
- Nagbukas ng panibagong opisina ang Unyong Europeo sa Burma dahil sa kasalukuyang reporma para sa demokrasya. (The Hindu)
- Politika at eleksiyon
- Iniulat na ang isang bulag na aktibistang Tsino na si Chen Guangcheng – na siyang tumakas sa pagkakaaresto sa bahay – ay nagtatago sa embahada ng Estados Unidos sa Beijing. (Al Jazeera)