Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 27
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Binalaan ng Panlabas na Ministro ng Rusya na ang pag-atake sa gobyerno ng Sirya ay maaaring magdulot ng sakuna at sinabi rin sa mga Kanluraning bansa na magpakita ng pag-iingat sa krisis na nangyayari roon. (France 24)
- Ayon kay Walid Muallem Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Sirya na tinatanggi ng "lubos at ganap" ng gobyerno ng Sirya ang paggamit ng kemikal na armas, habang ang Estados Unidos at ang mga alyansa nito ay naghahanda sa napipintong pag-atake kung saan pinupunterya nito ang departamento ng utos at kontrol, paliparan at artilerya. (BBC) (NBC)
- Sinabi ng Pangulo ng Pransiya na si Francois Hollande na "handang parusahan" ng Pransiya ang mga responsable sa kemikal na pag-atake. (Fox News)
- Pinaniniwalaang nasa likod ng pambobomba sa Tripoli noong Agosto 2013 ang gobyerno ng Sirya kung saan isa sa mga pinaghihinalaan sa Lebanon ang umamin sa kapulisan. (Daily Star)
- Pinatawag ni David Cameron ang Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian ang mga miyembro ng Parlamento na kasalukuyang nasa pahinga ngayong tag-araw upang pag-usapan ang magiging tugon sa pag-atakeng kemikal sa Ghouta.(BBC)
- Sinimulan na ng bansang Rusya ang pag-papaalis ng kanilang mga mamamayan na nasa Sirya. (Telegraph)
- Sakuna at aksidente
- Patuloy na lumalaki ang sunog malapit sa Yosemite National Park sa California kung saan umabot na ito sa 281 milyang parisukat. (Southern California Public Radio)