Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 6
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Limang sundalong Indiyan ang napatay sa pag-atake malapit sa hangganan ng lupain sa estado ng Jammu at Kashmir sa pagitan ng Pakistan at Indiya.(Reuters)
- 2013 Pagsasara ng mga Embahada
- Inilikas ng United States Department of State ang mga empleyado nito mula sa embahada ng Estados Unidos sa Yemen kasunod ng banta ng al-Qaida.(AP via NPR)
- Digmaang Sibil ng Syria
- Nasakop ng mga rebelde ng Syria ang isang himpilan ng hukbong panghimpapawid sa Aleppo malapit sa hangganan ng Turkiya.(BBC), (CNN)
- Isang bomba sa kotse ang sumabog na ikinasawi ng 18 katao at 55 sugatan sa labas ng lungsod ng Damasko.(USA Today)
- Naiulat ang kemikal na pag-atake sa Adra at Houma mga lungsod sa labas ng Damasko. (Israel National News)
- Batas at krimen
- Parehong nagdesisyon ang Senado at Kamara na itigil ang planong pag-iimbestiga sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam matapos mapagkasunduan ng mga senador na ipagpaliban muna ito hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng ilang ahensiya ng gobyerno.(Abante-Tonite)
- Kalusugan
- Mahigit sa kalahating milyong Filipino ang may problema sa mata ayon sa Kagarawan ng Kalusugan, ang tatlong pinakamadalas na sanhi ng pagkabulag ay katarata, glaucoma at macular degeneration. (GMA News)