Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Hulyo 29

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Alitang armado at mga pag-atake
  • Labindalawang magkakasunod na pagsabog ng mga kotseng may bomba ang kumitil sa 44 na katao sa Iraq kung saan pinaniniwalaan na pinupunterya ng mga terorista ang komunidad ng Shiite.(Reuters)
  • Inatake ng mga Taliban ang isang kulungan sa lungsod ng Dera Ismail Khan sa Pakistan kung saan nakatakas ang mahigit sa 300 bilanggo.(AFP via Fox News), (Times of India)
Sakuna at aksidente
  • Inaasahang tatama ang bagyong Flossie sa lupain ng Estados Unidos sa isla ng Hawaii, ito ay inaasahang magdudulot ng malakas na pag-ulan at maaaring magsanhi ng pagbaha at paguho ng mga lupa.(AP)
Sinig at kultura