Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Setyembre 29
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Namaril ang mga armadong lalaki na miyembro ng grupong Boko Haram ng Islam ng Nigerya sa isang dormitoryo sa Kolehiyo ng Gujba na ikinasawi ng 42 na estudyante edad 19 hanggang 22. (Telegraph)
- Nagkaroon ng pagbabarilan sa tatlong lungsod ng Mehiko kabilang ang Cuernavaca, Fresnillo, Monterrey, kaugnay ng paglalabanan ng mga grupo ng mga droga na ikinasawi ng siyam na katao at anim na sugatan.(ABC News)
- Sinabi ng isang grupo ng mga aktibista laban sa puwersa ng pamahalaan ng Sirya na nasawi ang 16 na katao, karamihan ay estudyante, dahil sa ginawang pag-atakeng panghimpapawid ng pamahalaan ng Sirya kung saan tinamaan ang isang paaralang pang-sekondarya sa lungsod ng Al-Raqqah. (Reuters)
- Sakuna at aksidente
- Tumaas ang bilang ng nasawi sa nakaraang pagguho ng isang gusali sa Mumbai, Indiya, ayon sa huling ulat noong Setyembre 27, ito ay umakyat na sa 60 katao kung saan ipinatigil na ang operasyon pagsagip. (BBC)
- Nagdulot ang malakas na ulan sa lungsod ng Rajkot at Gujarat sa Indiya ng pagkasakira na tinatayang nag kakahalaga ng 100 milyong Rupi ng Indiya. (Times of India)